TomoNews Philippines (Filipino)
Lalake, pinaglaruan ang smoke bomb, na na-stuck sa kanyang hita!
- Title
- Lalake, pinaglaruan ang smoke bomb, na na-stuck sa kanyang hita!
- Runtime
- 1:01
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Matalinong lalake sa Alabama, pinaglaruan ang isang granada – na nadikit sa kanyang hita!
Ang 60-something-year-old na lalake ay maaring pinag-aaralan kung paano idi-dismantle ang granada, pero hindi malinaw sa ngayon kung bakit.
Kung maglalaro kayo ng apoy, ay maari kayong mapaso – at ito ang nangyari sa insidenteng ito. Ang smoke grenade ay na-stuck sa hita ng lalake!
Lalo lang siyang nagkaroon ng problema, nang dumating ang ambulansiya para ilipat siya sa ospital. Dahil ito ay isang live grenade, tinanggihan siya ng lahat ng ospital, kaya naitawag ang isang explosives expert mula sa nalalapit na army base – at ang operasyon ay isinagawa sa loob ng ambulansiya.
Kinailangan ang walong oras para mai-arrange ang lahat ng ito, pero ang pagtanggal sa granada ay naisagawa sa loob lamang ng apatnapu’t limang minuto.
Matatpos matanggal ang granada, ay dinala ang lalake sa University of Alabama-Birmingham Hospital, kung ...
- Title
- Mga payasong may dalang armas, nanggugulo sa Bakersfield, California!
- Runtime
- 0:56
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Nakakatakot na mga payaso, ginugulo ang mga residente at pulis sa California!
Mukhang masyadong maraming oras ang mga tao sa Bakersfield, dahil ayon sa Bakersfield police, kailan lang ay nakatanggap sila ng mga reklamo mula sa mga taong natakot sa mga super creepy na payaso, na nagpapakita sa publiko, hawak ang mga armas na gaya ng machete at baseball bat.
Nagsimula ito matapos magpakita sa Internet ang litrato ng isang payaos sa Wasco. Ang Wasco clown ay parte pala ng isang art project ng isang mag-asawa.
Noong Sabado ng gabi, rumispondi ang Bakersfield police sa isang report ng isang payasong may hawak na baril, pero wala silang nakita sa eksena.
Isang 14-year-old na bata ang naaresto na para sa pagsuot ng clown costume, at paghabol sa isang grupong bata sa kalsada.
Itong nakaraang Biyernes, ay nakatanggap na ng labing-anim na repoted sightings ng mga payasong may dalang armas ang mga pulis.
Sinerseryoso ng...
- Title
- Baby girl, naligtas matapos maipit sa ilalim ng katawan ng patay niyang ama!
- Runtime
- 1:05
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Baby girl, naligtas matapos maipit nang tatlong araw, sa ilalim ng katawan ng kanyang patay na ama!
Isang 10-month-old na batang babae ang naligtas, matapos siyang ma-sandwich sa pagitan ng kanyang patay na ama, at ang headboard ng kanyang kama.
Ayon sa mga pulis, mukhang ginagamit ng 43-year-old na si Jason Fields ng Louisiana ang kanyang laptop, nang bigla siyang inatake sa puso.
Nag-collapse siya, at hindi niya naiwasang naipit ang kanyang anak na si Betty Jean, sa pagitan ng kanyang katawan at ng headboard ng kama.
Doon siya namatay, at na-trap ang maliit na baby, sa napakainit na 100 degrees Fahrenheit, o 37 degrees Celsius.
Makalipas ang ilang araw, tinangkang gisingin ng 5-year-old na anak ni Fields ang kanyang patay na ama – na nabubulok na ang katawan.
Inalerto ng bata ang isang kapitbahay, na sinabi sa bata na maaring patay na ang kanyang ama. Nagtawag ng paramedics ang kapitbahay, na naitulak paa...
- Title
- Babae, nabuntis ng dwarf stripper sa kanyang bachelorette party!
- Runtime
- 0:52
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Bachelorette party – sobrang palpak! Ang babaeng ikakasal, nabuntis ng isang pandak na stripper!
Kung mayroon tayong natutunan mula sa Game of Thrones, iyon ay ang mga dwarf ay pwede ring maging napaka-seksi.
Pero ayon sa Spanish website na La Cinco Del Dia, masyadong na-excite ang isang babae sa Valencia, Spain.
Sa kanyang bachelorette party, na tinatawag din na hen night, nakalimutan ng babaeng ikakasal ang kanyang fiancé, at nakipag-sex siya sa isang pandak na stripper!
Nagawang itago ng babae ang kanyang sikreto nang siyam na buwan…pero nang ipinanganak na dwarf ang kanyang anak, kinailangan niyang aminin ang lahat sa kawawa niyang asawa!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us ...
- Title
- Chilean flamingos, napatay sa isang frat prank sa Mississippi!
- Runtime
- 1:10
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Fraternity, nagsagawa ng isang biro – na nauwi sa pagkamatay ng dalawang Chilean flamingos sa The Hattiesburg Zoo noong Miyerkules – at sa pagkulong sa isang Mississippi college student.
Ang rush week ng Pi Kappa Alpha ay nagsimula sa isang inosenteng scavenger hunt, kung saan kailangang makunan ng litrato ang isang flamingo.
Si Devin Nottis at tatlo pang pledges ang nakaisip na magsagawa ng isang prank.
Sila ay nahuli ng Hattiesburg Zoo surveillance, na pagala-gala sa park, ala una ng madaling araw, noong Martes.
Nakarating sila sa flamingo grounds, kung saan kinuha nila ang isang babaeng ibon – pero hindi natuwa ang asawa nito, na nagsimulang ipagtanggol ang babae!
Nilabanan ng mga teenagers ang mga ibon, habang karga-karga ang nasindak na babaeng flamingo. Inakyat nila ang isang bakod na may sampung talampakan ang taas, habang natatakpan ng isang T-shirt ang kawawang ibon.
Kinabukasan, kinatok ng mga...
- Title
- Lalake, binato ng smoke bombs ang mga sosyal na restaurant sa NYC!
- Runtime
- 1:08
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Isang lalake, lumabas mula sa isang subway grate, at na-smoke-bomb ang mga sosyal na restaurant sa New York City!
Nagulat ang mga customer na kumakain sa labas ng iilang mga sosyal na kainan sa New York, Biyernes ng gabi - dahil nasali sila sa isang episode ng Teenage Mutant Ninja Turtles, nang lumabas ang isang lalake mula sa isang subway grate, at nagbabato ng mga smoke bombs sa mga outdoor tables, bago siya bumalik sa kanyang pinaggalingan!
Nangyari ang lahat, alas sais ng gabi, sa harap ng mga A-list restaurants na Bar Pitti at Da Silvano. Biglang bumukas ang isang subway trap door, at isang lalaking nakasuot ng American flag na T-shirt ang bumato ng dalawang pulang smoke bombs sa mga outdoor seating areas.
Napaubo at nahirapang huminga ang mga customer, na napaligiran ng makapal na kulay pulang usok. Kabilang dito ang Charmed actress na si Rose McGowan…na naunang nag-tweet tungkol sa insidente.
Ang lalake ay mabilis na nagpakit...
- Title
- VIDEO: Galit na baka, sinugod at na-headbutt ang isang lalake sa kalsada!
- Runtime
- 0:28
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Noong October 6, sa Pakistan, isang security camera ang nakakuha ng video na ito, ng isang galit na galit na baka, na sinugod ang isang walang kamalay-malay na pedestrian sa kalsada. Na-headbutt ang kawawang lalake, na halos mapatalsik na sa kalawakan.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
- Title
- Ritwal na pagkatay sa camel, nagkagulo-gulo sa isang kalsada sa Pakistan!
- Runtime
- 1:01
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Isang ritwal ng pagkatay sa camel, na isinagawa sa isang kalsada sa Pakistan, nagkagulo-gulo!
Ipinagdiwang ng mga Muslim ang Eid-al-Adha holiday, kamakailan. Sa Pakistan ay nagsimula ito noong October 6 – kung kelan nakunan ang video na ito.
Ang Eid-al-Adha, na Festival or Feast of Sacrifice, ay ang ikalawang pinaka-importanteng festival sa Islamic calendar. Inaalala dito ang sandaling dinalaw ni Allah ang propetang si Ibrahim sa isang panaginip, at inutusan siyang isakripisyo ang anak niyang si Isma’il, na magpapakita ng kanyang pagiging masunirin sa diyos. Pero imbes na isakripisyo ang kanyang anak, ay pinayagan ni Allah na magsakripisyo na lang ng tupa si Ibrahim.
Dahil dito, ang mga lalaking ito ay naghahandang katayin ang camel sa gitna ng kalsada. Pero nagkagulo-gulo ang lahat.
Ang laman ng nakatay na camel ay ipinaghahati sa tatlo: one third ang binibigay sa kumatay ng camel, at sa kanyang pamilya; one third ang binibiga...
- Title
- VIDEO: Tatlong magkakaibigan, niligtas ang isang usa mula sa malalim na sinkhole!
- Runtime
- 1:13
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Panoorin ang video na ito, kung saan ang tatlong lalaking sina Gavin Nimrod, Eric Smorstad at Bryton Meyer, na papunta sa isang football game – ang nakakita sa isang lalaking usa, na na-stuck sa isang sinkhole, sa lupa ng ama ni Smorstad.
Mabilis na pinuntahan ng mga lalake ang usa, para iligtas ito.
Ang butas ay may lalim na sampung talampakan, kaya nagpunta ang tatlong magkakaibigan sa Wal-Mart, para bumili ng mga lubid at clip, para maligtas nila nang maayos ang usa.
Makalipas ang ilag minutong pagkilatis sa sitwasyon, hinatak ng mga lalake ang sungay ng usa, at maingat na hinila ang usa palabas ng butas.
Pagkalabas na pagkalabas ng usa, ay tumakbo itong paalis – at masayang magsialisan na rin ang tatlong magkakaibigan.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://ww...
- Title
- Lalake, pinatay ang asawa, apat na oras matapos silang ikasal!
- Runtime
- 1:07
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Till death do us part: Lalake, pinatay ang kanyang asawa, apat na oras lamang matapos silang ikasal!
Ang pinakamaikling kasalan na aming nabalitaan ay natapos sa napakabayolenteng paraan, Linggo ng umaga, nang pinatay ni George “Scott” Samson, na isang doktor sa Indiana, ang kanyang asawa, ang nurse na si Kelly Ecker.
Sa wedding reception, nalasing si Samson at sinabing hinding-hindi makukuha ng kanyang asawa ang kanyang pera.
At sa after party sa bahay ng mag-asawa, napaalis ang mga bisita nang nag-away si Samson at Ecker, 1:17 ng umaga.
Inalok pa ng pinakahuling bisita na sumama sa kanya si Ecker, pero tumanggi ang babae. Makalipas ang ilang minuto, ay ilang beses na tumawag sa 911 si Ecker.
Pagkatapos, ayon sa ama ni Samson, ay kinulong ni Scott ang kanyang sarili sa basement, kasama ang kanyang mga baril at armas.
Gamit ang isang remote camera, natagpuan ng mga pulis si Samson sa basement, na namata...
- Title
- UFC fighter Cody Gibson: "Google me, bitch," sabay nabugbog sa club!
- Runtime
- 1:20
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Mayabang na UFC fighter, na nagsabing, “Google me, bitch” – natalo nang dalawang beses sa loob ng isang gabi!
Ang Bantamweight MMA fighter na si Cody Gibson ay nasa Las Vegas, Lunes ng gabi, para sa kanyang laban kasama si Manny Gamburyan. Natalo siya by submission sa ikalawang round.
Si Gibson, na kilala rin bilang The Renegade, ay nagpunta sa isang bar, kung saan nasangkot siya sa isa pang away…pero ang away na ito ay off the books.
Sinabi ni Gibson kay “Beatdown,” ng Sherdog Radio Network, na lasing siya nang may lalaking nagtangkang makipag-away sa kanya.
At dahil mayabang itong si The Renegade…sinabi niya sa lalake: “You know who I am, look me up, Google me, bitch.”
Imbes na i-Google si Gibson, ay sinuntok siya ng lalake sa mukha.
Tumayo si Gibson, na binuhat ang lalake, at hinampas ito sa sahig.
Sinuntok naman ng lalake si The Renegade nang ilang beses sa katawan.
<...
- Title
- Babae, namatay matapos akyatin ang electric fence para sa kanyang boyfriend!
- Runtime
- 0:50
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Chinese na babae, nakuryente matapos niyang akyatin ang isang bakod, para dalawin ang kanyang boyfriend!
Ang tunay na pag-ibig ay dapat lang na nakakakilig…pero hindi nakakakuryente.
Isang Chinese na babae, na in love, ang namatay matapos niyang akyatin ang isang bakod noong Martes.
Naisipan ng 22-year-old na si Jiao Chin na pasukin ang school campus sa Yunnan Province, para makita ang kanyang Romeo.
Pero kailan lang ay nilagyan ng eskuwelahan ng kuryente ang mga bakod nito, dahil sa sunud-sunod na break-in.
Habang alam ng mga estudyante ng eskuwelahan ang tungkol sa mga electric fences, ayon sa mga litrato sa eksena, walang nakalagay na warning signs para sa mga taong nasa kabilang panig ng mga bakod.
Maaring nagawa ni Jiao na pasukin ang eskuwelahan sa pamamagitan ng pag-akyat sa bakod noon…pero noong Martes, ay nakuryente siya, at namatay.
For news that's fun and never boring, visi...
- Title
- African-American teenager, na-pepper spray ng pulis sa loob ng kanyang bahay!
- Runtime
- 1:22
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- African-American na teenager, na-pepper spray ng mga pulis, sa loob ng sarili niyang bahay!
Pinepper spray ng North Carolina police ang isang African-American na teenager, matapos nilang mapagkamalang magnanakaw ang lalake, sa bahay ng kanyang Caucasian foster parents.
Ang 18-year-old na si DeShawn Currie ay isang taon nang nakatira sa bahay nina Ricky at Stacy Tyler, at ang tatlo nilang anak.
Noong Lunes, iniwan ni Stacy na hindi naka-lock ang pintuan gilid ng bahay, dahil maagang uuwi mula sa eskuwelahan si DeShawn.
Nang pumasok si DeShawn sa sarili niyang bahay, isa sa kanilang mga kapitbahay ang tumawag sa 911 para i-report ang inakala niyang break-in.
Kaya tatlong police officers ang nagpakita sa bahay, na natural ay ikinagulat ni DeShawn.
Ayon sa teenager, sinabihan siya ng mga pulis na ilagay ang kanyang mga kamay sa pintuan. Tinanong ni DeShawn kung bakit, at kung bakit nasa bahay niya ang mga pulis.<...
- Title
- Lalaking may dalang baril, nabiktima pa rin ng armed robbery!
- Runtime
- 1:07
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Lalaking may dalang legal, open-carry na baril, nabiktima pa rin sa isang armed robbery!
Isang lalake sa Oregon, na kumuha ng baril para ma-protektahan ang kanyang sarili, ang nanakawan pa rin, Sabado ng gabi.
Ayon sa pulis, ang 21-year-old na si William Coleman the Third ang legal na bumili ng isang handgun noong Sabado.
Ilang oras lamang ang nakalipas, ay kausap ni William ang kanyang pinsan sa Glisan Street sa Gresham…kung saan ipinagmamalaki niya ang kanyang bagong baril, na legal sa open-carry law ng Oregon.
Nilapitan sila ng isang lalake, na humingi ng sigarilyo. Napunta sa baril ni William ang usapan, at biglang humugot ng isa pang baril ang lalake, na sinabi kay William: “I like your gun. Give it to me.”
Inabot ni William ang baril sa lalake, na tumakbong paalis.
Hinahanap pa rin ng pulis ang magnanakaw, na huling nakitang nakasuot ng kulay grey na sweatpants, kulay puting T-shirt, at tsinelas.<...
- Title
- Buffalo Bills players, ginamitan ng laser ng isang Detroit Lions fan!
- Runtime
- 0:55
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Buffalo Bills, inaatake ng mga NFL fans, na mahilig magdala ng lasers sa mga laro!
Natalo ng Buffalo Bills ang Detroit Lions, 17 to 14 noong Linggo, pero may isang Lions fan ang nagtangkang suportahan ang kanyang team, sa pamamagitan ng technolohiya!
Ano daw?
Yup – lasers!
Ang Bills quarterback na si Kyle Orton ay na-miss ang isang pass matapos siyang matamaan sa mukha ng isang green laser.
Nang natatalo na ang Bills ng 11 points, ay natamaan din ng laser si Colton Schmidt, habang nagsasagawa siya ng 50-yard field goal – at nawalan ng direksiyon ang pagsipa nu Dan Carpenter sa bola.
Hindi natagpuan ng security ang misteryosong Laser Lion…na ito palang si Marko Beslach, na ipinagyabang ang kanyang lasering skills, bago magsimula at sa gitna ng laro, sa Twitter.
Ayon sa NFL, maaring mabigyan ng lifetime ban sa panonood ng mga games si Beslach…at kapag nahuli siya ng mga Bills fans, naku! Hindi uub...
- Title
- Kurdish fighter Ceylan Ozalp, nagpakamatay para hindi maging ISIS hostage!
- Runtime
- 1:15
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Babaeng Kurdish Fighter, pinatay diumano ang kanyang sarili, matapos siyang mapaligiran ng mga Islamic State militants.
Ito ang mukha ng tunay ng war on terror sa Syria – ang 19-year-old na si Ceylan Ozalp – isang ethnic Kurd na ipinaglalaban ang kanyang bayan, laban sa mga Islamic State militants sa Kobane.
Ayon sa BBC report na ito, one-third ng Syrian Kurdish forces sa Kobane ay mga babae, at nakikipaglaban sila kasama ang mga lalake. Ayon din sa report, ang mga babae ang pinakamatapang na fighters.
Ayon kay Ceylan, kapag nakakakita ang mga ISIS fighters ng babaeng may hawak na baril, nanginginig sila sa takot. Gusto nilang ipakita sa mundo na napakatapang nila, pero tumatakbo sila kapag nakikita nila ang mga babaeng may baril. Ang bawat isa sa mga babaeng fighters ng Syria, ay daig pa ang isang daang ISIS militants. Hindi daw sila natatakot, at lalaban sila hanggang sa pinakahuling sandali. Mas gugustuhin nilang pasabugin ang kanilang sar...
- Title
- Mabait na police officer, binilhan ng car seat ang isang nangangailangang ina!
- Runtime
- 1:07
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Mabait na police officer sa Michigan, binilhan ng car seat ang isang nangangailangan na ina, imbes na bigyan ito ng ticket.
Tinawag na hero ang isang 31-year-old na Michigan public safety officer, matapos mapost sa Internet ang nakaka-touch na sandaling ito, kung saan binilhan niya ng booster seat ang isang nangangailangang ina.
Ang ina na si Alexis DeLorenzo ay nasa passenger seat ng kotse, na minamaneho ng kanyang kaibigan, nang may nakapansin na hindi nakaupo sa booster seat ang anak ni Alexis.
Si Officer Ben Hall at nagpa-patrol nang nakatanggap siya ng tip mula sa isang witness. Pinahinto niya ang kotse, at doon niya nakita ang 5-year-old na batang babae sa likod ng kotse; naka-seatbelt ito pero dapat ay nakaupo siya sa isang child safety seat.
Sinabi ni Alexis kay Officer Hall na alam niyang importante ang child seat, pero kailan lang ay na-repossess ang kanyang sasakyan, na mayroong car seat.
Imbes na bigyan si Ale...
- Title
- Babae, binaril ang stalker, na pinasok ang kanyang bahay sa Vegas!
- Runtime
- 1:11
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Babae, binaril ang isang stalker, nang sinipa nito ang pintuan ng bahay ng babae!
Makakatulog nang muli ang isang babae sa Las Vegas, matapos niyang barilin ang kanyang stalker noong isang linggo – nang sinipa ng lalake ang pintuan ng kanyang bahay. Naka-date diumano ng biktima ng isang buwan ang 22-year-old na si Douglas Eugene Jackson, na stinalk ang babae nang anim na buwan.
Ayon sa babae, nagsimula ang pag-stalk sa apatnapu hanggang apatnapu’t limang tawag, at limampung text messages sa loob ng isang araw.
Pinupuntahan din siya sa bahay ng lalake, nang hatinggabi, at sinasabing papatayin niya ang babae.
Napilitang lumipat ng bahay ang babae, na kumuha din ng restraining order. Kumuha din siya ng license to carry a concealed weapon, at nagsimula siyang maligo nang dala-dala ang kanyang baril.
Isang buwan nang naglalagay ng upuan sa likod ng kanyang pintuan ang babae, habang siya ay natutulog. Buti na lang, dahil no...
- Title
- 4-year-old na bata, namigay ng bag ng heroin sa mga bata sa daycare!
- Runtime
- 1:05
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Toddler, nagdala ng daang-daang mga bag na may laman na heroin sa daycare – dahil inakala niyang candy ang droga – at inabot ito sa mga bata!
Isang apat na taong gulang na batang babae ang inakalang candy ang mga bag ng heroin, at ipinamigay ang mga ito sa isang daycare center sa Delaware.
Kinuha diumano ng bata ang dalawang daan, apatnapu’t siyam na bag ng heroin mula sa kanyang bahay, Lunes ng umaga, matapos marumihan ng kanyang aso ang bag ng candy na dapat ay dadalhin niya sa daycare center sa Selbyville.
Ipinamigay niya ang mga heroin bags sa ibang mga bata, at sinabing candy ang mga ito.
Napansin ng mga teacher na ang nilalaman ng mga bag ay hindi powedered sugar…kaya nagtawag sila ng pulis, at naaresto ang 30-year-old na ina ng bata na si Ashley Tull.
Ayon sa mga inbestigador, ang lahat ng mga heroin bags ay umabot ng 3.73 grams, na maaring mabenta para sa halagang 2,000 dollars.
Si Ashley Tu...
- Title
- VIDEO: Bouncy castle sa China, napataob ng hangin; 30+ na bata, nasaktan!
- Runtime
- 0:40
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Bouncy castle, bumaligtad; mga bata, nasaktan!
Sa security footage na ito, mula sa isang town fair malapit sa Shanghai, noong October 5, makikita natin ang isang bouncy castle na puno ng mga batang naglalaro, na napaangat, at napabaligtad!
Isang bata ang nagkaroon ng fractured skull, at may tatlumpung bata ang nasaktan din.
Pumayag ang may-ari ng kompanya na nagpapa-rent ng bouncy castle na bayaran ang medical expenses ng mga bata, dahil hindi man lang nila na-secure nang kahit na kaunti ang bouncy castle sa sahig.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
- Title
- Hong Kong University lecturer, inatake ng isang mainlander sa klase!
- Runtime
- 1:05
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Random attack sa isang lecturer sa Hong Kong, mukhang hindi pala random!
Isang Hong Kong University media ethics lecturer, inatake ng isang mainlander, sa gitna ng klase!
Si Cliff Buddle ay isang senior editor sa Hong Kong South China Morning Post, at isang honorary lecturer sa Hong Kong University.
Noong Lunes, habang siya ay nagsasalita tungkol sa media law and ethics, isang lalaking nagsasalita ng Mandarin ang pinahinto ang klase. Sinigaw nito na labimpitong taon nang nakaraan mula nang bumalik ang Hong Kong sa China, kaya dapat na Chinese ang ginagamit ni Buddle sa pagturo sa klase.
Pagkatapos, ay tumakbo siya papunta sa harap ng klase, at inatake si Buddle, na kanyang sinipa sa dibdib.
Matapos ang asulto, nagtangkang tumakas ang lalake, pero hinarang siya ng mga estudyante. Kinunan ng estudyanteng si Eden Yu ang mga pangyayari sa kanyang camera.
Na-detain ng university security officers ang lalake, at n...
- Title
- NFL player Adrian Peterson, ginamit ang charity funds para sa isang orgy!
- Runtime
- 1:14
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Minnesota Vikings football star Adrian Peterson, humaharap sa mga alegasyon ng orgy at tax fraud! Nagsagawa siya diumano ng isang orgy, na kanyang binayaran gamit ang mga funds mula sa kanyang charity!
Mukhang isang tunay na Viking ang Minnesota Vikings star na si Adrian Peterson, na kasalukuyang suspendido mula sa team. Unang una, ay mukhang okay na okay siya sa pagiging bayolente; siya ay iniimbestigahan para sa child abuse, matapos niyang saktan ang kanyang apat na taong gulang na anak.
Pangalawa, ayon sa mga bagong alegasyon laban sa kanya, boto din sa mga wild, drunken orgies ang football star; siya ay iniimbestigahan para sa pagbayad sa isang sex party noong 2011, gamit ang credit card mula sa kanyang charity organization na All Day Foundation.
Sa party, na dinaluhan din ng underage na kapatid ni Peterson, nakaaway diumano ng football player ang isa sa mga baabeng bisita, at nauwi ang lahat sa kaguluhan.
Kinabukasan, isang babae...
- Title
- Teenager, muntik nang mapugutan ng ulo sa lubid na tinali ng kapitbahay!
- Runtime
- 1:17
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Teenager sa Chicago, muntikan nang mapugutan ng ulo, ng lubid na tinali ng kapitbahay sa isang play area sa kanilang komunidad!
Ang 13-year-old na si Sergio Perez ay suwerte at hindi siya namatay, matapos ang isang aksidente na muntikan nang putulin ang kanyang ulo!
Nakasakay sa kanyang bisikleta si Perez, sa common area sa kanyang komunidad sa Romeoville noong isang linggo…nang hindi niya napansin ang manipis na lubid, na nakatali at nakaharang sa kanyang daanan.
Tumama si Perez sa lubid, na natulak siyang pababa mula sa kanyang bisikleta; nawalan siya ng malay, at nagkaroon siya ng malalim na sugat sa kanyang leeg.
Nang nagising siya ay nagsisigaw siya para sa kanyang ina, na pinuntahan siya at humingi ng tulong mula sa isang kapitbahay.
Isa sa mga kapitbahay nila ang pinagsususpetyahan ng pagtali ng lubid, para mapigilan ang mga bata sa paggamit sa common area, na madalas nilang gawing daanan.
Si Sergio ...
- Title
- Abugadong sangkot sa photoshop scandal: innocent, o guilty?
- Runtime
- 2:34
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Para makita ang mga litratong ibinigay sa amin ni Sangary, magpunta po sa link na ito: http://bit.ly/1CPSuKG.
Abugado sa California, na naakusahan ng pag-photoshop ng mga litrato kung saan kasama niya ang mga sikat na artista, ay nagsalita na rin sa isang Tomo News exclusive one on one interview!
Noong isang buwan, ni-recommend ng California State Bar Court na masuspinde si Svitlana Sangary sa pag-practice ng law, nang anim na buwan – matapos mapatunayan ng isang imbestigasyon na nagpakita ng mga pekeng publicity photos ang kanyang website, kung saan kasama ni Sangary ang mga sikat na artista…gaya nina George Clooney at Ellen DeGeneres.
Pero ang mga litrato ba ay tutoo o peke?
Si Sangary, na isang LA-based na abugado, ay nagpakita sa amin ng mga dokumento, na nagpapatunay na nag-donate siya ng malaking halaga sa mga political campaigns itong mga nakaraang taon.
Sa aming interview, ipinakita rin sa amin ni Sang...
- Title
- VIDEO: Indian na lalake, may napakalaking insekto sa loob ng tenga!
- Runtime
- 0:51
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Indian na lalake, natanggalan ng isang napakalaking insekto mula sa kanyang tenga!
Naranasan niyo bang mangati ang loob ng inyong tenga, at hindi niyo makamot at maalis ang makating pakiramdam? Nakakainis, hindi ba?
Isang Indian na lalake ang hindi lang nagkaroon ng nakakainis na makating pakiramdam…may kumakamot pa sa loob ng kanyang tenga, kaya nagpatingin siya sa doktor.
Pagdating niya sa klinik, nadiskubre ng doktor ang isang napakalaking insekto, na nakatira sa loob ng tenga ng lalake! Matapos ang isang diskusyon, nagdesisyon silang tanggalin ang insekto.
Pero ayaw umalis ng insekto, na kumapit nang mahigpit sa tenga ng lalake. Buti na lang at natanggal din ito ng doktor.
Pasensiya na po kung nangati ang inyong tenga dahil sa panonood ng video na ito!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay upda...
- Title
- VIDEO: Super cute baby elephant, hindi makatayo nang maayos sa zoo!
- Runtime
- 0:55
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Isang baby elephant, tinulungan ng kanyang mga magulang sa isang video na nakunan sa isang zoo sa Zurich, Switzerland!
Napaka-cute ng video na ito, ng isang baby elephant, na hindi magawang makatayo nang maayos, at paulit-ulit na natutumba…hanggang sa tinulungan siya ng kanyang mga magulang. Ang video na ito ay nakunan sa Zurich Zoo sa Switzerland, at isang tunay na pampawala ng pagod!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
- Title
- Mag-asawa sa Oregon, nakipag-sex sa kanilang teenage babysitter!
- Runtime
- 0:53
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Mag-asawa sa Oregon, naaresto para sa pakikipag-sex sa kanilang babysitter!
Mahirap na hindi magalit sa mga taong nagsasagawa ng child abuse. Pero kung ang isang 16-year-old ay nakipag-sex sa isa or dalawang taong nasa kanilang 20s…ito ba ay child abuse pa rin? YES of course!
Si Troy Cawvey, 25, at ang kanyang partner na si Amber Whitford, 27, aymatagal-tagal nang nakilala ang isang 16-year-old na babae, na kanilang kinuha para maging babysitter ng kanilang anak.
Pagtagal, ang babysitter ay naging “friend with benefits.” Pag natulog na ang kanilang anak, maglalabas ng alak ang mag-asawa, at magsisimula ang kanilang adult party kasama ang underage na babysitter!
Ilang buwan ring nagpatuloy ang threeway na ito…every weekend…minsan ay ilang beses pa sa loob ng isang araw! Ayon sa mga report, iilan sa kanilang mga engkwentro ang nakunan pa ng video.
Dumating din ang panahon na nagsabi ang teenager sa kanyang ina, n...
- Title
- Lalake, naligtas matapos mahulog ang minamanehong kotse nang 300 feet!
- Runtime
- 1:10
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Driver, nahulog mula sa talampas na may mahigit tatlong daang talampakan ang taas – at naligtas, makalipas ang dalawang araw!
Isang 22-year-old na lalake ang nakaakyat mula sa isang Arizona gorge, dalawang araw matapos niyang maimaneho ang kanyang kotse mula sa isang talampas na may tatlong daang talampakan ang taas.
Ang lalake ay nagmamaneho sa isang napakadelikadong parte ng State Route 88, malapit sa Tortilla Flat, Miyerkules ng gabi…nang nawalan siya ng kontrol at nahulog mula sa isang talampas – ilang beses na napaikot-ikot sa 300-foot drop ang kanyang kotse, bago ito nag-landing nang nakabaligtad.
Halos dalawang araw na naghintay ang nasaktan na lalake sa loob ng kanyang kotse; inakala niyang may makakakita at makakatulong sa kanya.
Biyernes ng umaga nang sumuko ang lalake sa kahihintay, at nagawa niyang mag-hike nang dalawang milya, pabalik sa kalsada.
Nag-hitchhike siya papunta sa nalalapit na Superstition S...
- Title
- Lalake, nagtangkang tawirin ang dagat sa loob ng isang plastic bubble!
- Runtime
- 1:37
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Lalaking nasa loob ng isang homemade na bubble, hindi umabot sa Bermuda!
Isang lalaking tumatakbo sa isang inflatable bubble ang naligtas, pitumpung milya ang layo mula sa east coast ng Florida, matapos pumalpak ang kanyang pagtangkang paglakbay sa Bermuda Triangle, Sabado ng umaga.
Ang lalake ay ang kilalang extreme marathon runner at peace activist na si Reza Baluchi – at naisipan niyang gawin ito para mag-ipon ng pera para sa isang children’s charity.
Dinesign ni Baluchi at ng kanyang mga kaibigan ang lumulutang na hamster wheel, sa pamamagitan ng paglagay sa bubble sa loob ng isang bakal na kulungan…naglagay sila ng tubig at protein bars sa loob ng bubble, para may pagkain si Baluchi.
Sinubukan ni Baluchi ang kanyang hydro pod bubble sa pamamagitan ng pagtakbo sa itaas ng tubig, mula sa California Newport Beach, papunta sa Catalina Island.
Naitakbo niya ang animnapung milya, nang hindi pa umaabot ng isang buong ...
- Title
- Bagong "Yes Means Yes" law, nilalabanan ang campus rape sa California!
- Runtime
- 1:55
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- “Yes Means Yes” na batas, naipasa para malabanan ang campus rape sa California!
Ayon sa isang batas na pumasa sa California noong isang linggo, ang mga college students sa estado ay kakailanganing makarinig ng napakalinaw na “yes,” imbes na “no,” bago sila pwedeng mag-sex.
Nakakalito ba? Heto ang aming paliwanag.
Ito si John. Si John ay naghahanda para sa isang date kasama si Sarah, na kanyang nakilala sa kanyang English class noong isang linggo.
Maayos naman ang pagtakbo ng date ni John at Sarah…at nang niyaya ni John si Sarah na bumalik sa kanyang tirahan, ang sagot ni Sarah ay “yes!”
Ayon sa bagong batas na “Yes Means Yes,” ang pananahimik o pagkulang sa paglaban ay hindi nagpapahiwatig ng pagpayag sa sex.
Sa ilalim ng batas na ito, ang taong lasing, nasa impluwensiya ng droga, walang malay o natutulog ay hindi maaring magbigay ng pahintulot sa sex.
Pagbalik nila sa bahay...
- Title
- Babae, kinagat at hinagis ang sarili niyang 2-month-old baby sa sahig!
- Runtime
- 0:59
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Lasing na ina, hinagis ang kanyang 2-month-old na anak sa sahig, at paulit-ulit na kinagat ang baby!
Isang ina sa Texas ang naaresto at nakasuhan ng intent to injure a child, matapos niyang kagatin ang kanyang 6-week-old na baby, na kanyang hinagis sa sahig, Lunes ng umaga.
Si Dawn Greene ay natulog sa bahay ng kanyang kapatid sa Highlands, Linggo ng gabi, nang tinanggihan niya diumano na dalawin ng ama ng bata ang kanilang baby.
Alas tres ng madaling araw, ang lasing na lasing na 24-year-old na babae ay pinatahimik ang umiiyak niyang baby, sa pamamagitan ng pagpalo sa mukha nito. Binato rin niya ng kung anu-ano ang bata. Nang hindi pa rin tumahimik ang baby, kinagat ito ni Greene – at naiwan ang bakas ng kanyang mga kagat sa katawan ng bata!
Nagising ang kapatid ng babae dahil sa pagsigaw ng bata. Nakita niyang walang malay na nakahiga si Greene sa tabi ng nagdurugong baby, at agad siyang tumawag ng pulis.
Ang baby ay ...
- Title
- VIDEO: Lalake, hinimatay nang tatlong beses, habang nakasakay sa Slingshot!
- Runtime
- 1:41
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Lalake, hinimatay nang tatlong beses, habang nasakay sa Slingshot!
May sariling kategorya ang mga video ng mga taong nasisindak habang nakasakay sa Slingshot. Ito ang pinaka-latest.
Sa video na ito, isang lalake ang nawalan ng malay nang tatlong beses, habang siya ay nakasakay sa Slingshot sa Magical Midway amusement park sa Orlando, Florida. Nakakaawang nakakatawa!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
- Title
- Anak ng Hong Kong Chief Executive, napakayabang sa social media!
- Runtime
- 1:13
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Anak ng Hong Kong Chief Executive, ipinagmamalaki ang maluho niyang pamumuhay, na binabayaran ng mga Hong Kong taxpayers!
Ang anak ng Hong Kong Chief Executive CY Leung, na si Chai Yan Leung, ang nag-post ng katangahan sa Facebook. Ipinagyabang niya ang kanyang kwintas, na malamang ay made in China, na binayaran daw para sa kanya ng mga Hong Kong taxpayers. Tama ba naman yan?!
Ang Chinese na Paris Hilton na ito ay nagpatuloy pa sa pagsabing aalis siya mula sa Government House nang nakatakip ang kanyang mukha…bugbugin daw siya ng taong makakakilala sa kanya. Ang labo niya!
Karamihan sa mga taga-Hong Kong ang walang oras na pansinin ang spoiled brat na ito, pero ang kanyang mga latest na posts ay nakakairita – gaya ng kanyang ama.
Sa isang interview, nagreklamo si Chai na ang family photo na ito ay hindi natural…siya raw ay inutusan lang na magpunta sa Hyde Park para magkunwaring masaya sila ng kanyang pamilya, bilang isang PR stu...
- Title
- VIDEO: Hubad na lalake, nagwala sa airport; tinaser ng pulis!
- Runtime
- 1:05
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Hubad na lalake, nagwala sa Atlanta International Airport!
Ito ang eksena sa Atlanta Hartsfield-Jackson International Airport Termina A, bandang alas sais y medya ng umaga noong Huwebes.
Ayon sa saksi na si Gregory Evans, na kinunan ang video na ito habang hinihintay ang sarili niyang flight, ang lalaking ito – na nakilala na bilang si Derrick, Weems, 23 years old – ay biglang nagpakita sa passenger lounge sa Gate A23 nang nakahubad.
Si Weems ay may ticket, at dumaan sa security checkpoint nang nakadamit – pero hindi malinaw kung bakit naghubad siya pagkatapos.
Nang kinumpronta siya ng mga pulis, ay sinubukan nilang pakalmahin si Weems, pero bigla itong nagwala, at nagtatalon nang parang baliw! Dito na siya ginamitan ng taser ng mga pulis.
Ayon sa isang Atlanta police officer, ginamit nila ang taser gun para ma-kontrol ang sitwasyon nang walang gulo, at para na rin sa kaligtasan ng ibang mga pasahero.
S...
- Title
- Panadero, humithit ng meth para mabayaran ang utang ng kanyang kapatid!
- Runtime
- 0:50
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Isang panadero, humithit ng meth para hindi siya makatulog, para makapagtrabaho siya ng dalawampu’t apat na oras – para mabayaran ang utang ng kanyang kapatid na babae.
Isang Taiwanese na panadero ang naaresto para sa paggamit ng droga…at nadiskubre ng pulis ang kakaibang dahilan sa likod ng kanyang krimen.
Ang 36-year-old na panadero na si Wu, mula sa Taipei, Taiwan, ang minalas pagdating sa kanyang mga kapatid. Nakulong ang kanyang nakatatandang kapatid na lalake, at ang kanyang ate naman ang lumayas, at nag-iwan ng utang sa halagang 6,500 USD.
Para hindi mahirapan ang kanilang ina, inako ni Wu ang utang na iniwan ng kanyang ate. Kumuha siya ng tatlong trabaho, at minsan ay kailangan niyang magtrabaho nang isang buong araw, para lang kumita ng perang pambayad ng utang. Kapag inaantok siya o napapagod, ay humihithit siya ng methamphetamine. Pero kahit na marangal ang kanyang dahilan, ay nakasuhan pa rin siya sa paggamit ng droga.
- Title
- The Villages sa Florida: isang sexy playground para sa mga matatanda!
- Runtime
- 1:29
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Ito ang “The Villages,” sa Florida…isang salbaheng Disneyland para sa mga matatanda!
Nahanap na namin dito sa Tomo News ang pinaka-okey na retirement center para sa inyo!
Ang Florida ay ang maaraw na estado sa US, kung saan mahilig mag-retire ang mga tao…o maglasing sa mga Viagra sex parties, gabi-gabi! Ito ang Disney World para sa mga matatanda: The Villages! Ang pinaka-mabangis na retirement community, kung saan may isang daang libong mga swinging seniors!
Para sa mga lalake, ang pinaka-okey sa The Villages ay ang kanilang pagkakataon, dahil may sampung babae para sa bawat isang lalake. Mura lang ang alak doon, at may iilang mga lolo’t lola ang nasita na para sa drunk driving, sa mga golf carts na kanilang ginagamit sa compound.
Gusto niyo bang subukang mag wife-swapping, swinging, threesomes at iba pa? No problem! Sa The Villages, ay may black market na Viagra, kaya hindi na kayo dapat na mag-alala!
At dahil ...
- Title
- Lalake, nawalan ng braso't kamay sa isang brutal na shark attack sa Australia!
- Runtime
- 0:55
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Lalake, nawalan ng braso’t kamay sa isang brutal na shark attack!
Ang Australian na si Sean Pollard ay dinala sa Perth, matapos siyang maputulan ng isang braso, at dalawang kamay, sa isang shark attack – na nangyari habang siya ay nagsu-surfing malapit sa Esperance sa Western Australia.
Si Pollard ay inatake, alas onse ng umaga noong Huwebes, sa Kelpids Beach sa Wylie Bay, habang ang kanyang girlfriend ay nasa beach.
Nagkaroon ng katakot-takot na sugat ang 23-year-old na lalake sa dalawa niyang braso, nang isang great white shark – na may tatlo hanggang apat at kalahating metro ang haba – ang pinunit ang isa sa kanyang mga braso sa may siko, at ang kabilang braso sa may galanggalangan.
Ayon sa taong nagtawag ng ambulansiya, si Pollard ay nagkaroon din ng mga sugat sa kanyang mga paa.
Gumamit ng dalawang drumlines at baited hooks para mahuli ang pating. Nahuli nila ang pating, isang oras matapos nilang mai-set uo ...
- Title
- VIDEO: Lasing at hubad na lalake, binaril ng BB gun sa puwit sa Kazakhstan!
- Runtime
- 0:57
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Lasing at nakahubad na lalake, nabaril sa puwit ng BB gun sa Kazakhstan!
Anong nangyayari kapag naghubad ka, habang ikaw ay lasing sa Kazakhstan, at nakatayo sa gitna ng napaka-busy na kalsada? ---Isang galit na galit na motorista ang hihinto, sabay babarilin ka, gamit ang isang BB gun o airsoft rifle.
Para sa hindi nalalamang dahilan, ay hindi tumakbo o nagtago ang lalake…nanatili lang siyang nakatayo, habang binabaril siya sa puwit ng lalaking nasa kotse.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
- Title
- GROSS! Mga uod, natagpuan sa loob ng chicken wings sa KFC sa China!
- Runtime
- 1:16
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Uod, natagpuan sa loob ng chicken wings sa KFC sa China!
Kung kayo ay kumakain habang nanonood ng video, ay ibaba po muna ang inyong pagkain bago kayo magpatuloy.
Pinasara ng mga awtoridad sa India ang isang KFC, matapos nilang makumpirma ang isang reklamo na may mga uod na natagpuan sa kanilang manok, noong October 2012.
Ngayon, ay isang babae sa China ang nakakita sa mga uod, na naggagalaw sa mga chicken wings na inuwi niya mula sa isang Guangzhou KFC.
Ayon sa babae, na nakapanayam ng Apple Daily Hong Kong, nag-order sila ng kanyang mga anak ng takeout mula sa KFC. Makalipas ang ilang oras, binalikan niya ang pagkain at nakita niya ang mga maliliit na puting uod, na gumagapang sa manok! Agad na kinontak ng babae ang media.
Isang reporter ang dumating, hiniwa ang isa sa mga chicken wings, at natagpuan niya ang anim o pitong buhay na uod sa loob ng manok.
Hinintay nilang magpakita ang manager sa KFC, bago sil...
- Title
- Mahigit 900+ na manok, pinatay ng isang intruder gamit ang golf club!
- Runtime
- 1:04
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Intruder, pinasok ang isang chicken coop, at pinagpapatay ang mahigit siyam na daang manok!
Hindi maisip ng mga pulis sa Fresno County and motibo ng krimen na ito – pero hindi nila mapagkaila na may malalim na problema ang gumawa nito.
Isnag intruder ang pinasok ang pasilidad ng Foster Farms sa Caruthers, California, noong September 20.
Pinasok ng suspect ang shed kung saan nakatira ang mga manok. Naglabas siya ng golf club, at pinaghahampas ang kawawang mga manok!
Hindi na nga mabilis tumakbo ang mga manok, at hindi pa sila makalipad…kaya wala silang kalaban-laban. Walang maisip na motibo ang mga awtoridad para sa malupit na krimen na ito.
Nag-aalok ng 10,000 dollars na reward and mga awtoridad sa Fresno, kasama ang Animal Defense fund, para sa makakapagbigay ng impormasyon na makakatulong sa pag-aresto ng suspect.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube....
- Title
- Teenager, nagkaroon ng threesome kasama ang dalawang sexy teachers!
- Runtime
- 1:08
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- 16-year-old na teenager, nagkaroon ng threesome kasama ang dalawang teacher – at nabuking lang matapos niyang ipagyabang ang mga pangyayari! Yabang kasi!
Wow! Kami na ang magsasabi --- napakaseksi ng mga teacher na ito!
Para sa mga lalaking teenager, ang kauna-unahang panuntunan ng teacher sex club, ay NEVER kang dapat na magsalita tungkol sa teacher sex club.
Ang 16-year-old na Louisiana club member na ito ay tumama talaga sa jackpot – nagawa niyang magkaroon ng threesome, kasama ang dalawa niyang teachers!
Ayon sa pulis, bukod sa ménage-a-trois na ito, ay naka-video pa ang iilan sa kanilang mga sex sessions!
Isa sa mga teachers, ang 34-year-old na si Shelly Dufresne, ay may asawa at tatlong anak – at siya ay anak ng isang judge!
Ang isa namang teacher na si Rachel Respess ay 24 years old lamang, at masyado atang bata para magturo sa high school…
Naaresto ang mga teacher, tatlong araw m...
- Title
- Russian nursing student, kumuha ng selfie kasama ang organ ng isang suicide patient!
- Runtime
- 1:05
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Russian nursing student, nawalan ng trabaho matapos pabirong pinost ang litrato ng pali ng isang pasyente!
Ang pagiging isang nurse ay kadalasang tinuturing na isang marangal na trabaho, na isinasagawa ng mga taong mapagbigay at mapagmahal, na nais na tulungan ang mga taong nangangailangan.
Pero hindi naging marangal ang 20-year-old na nursing student na si Gulnaz Yalalova, ng Kazan City, Russia.
Ang mga kabataan kasi ngayon ay hindi rin makatiis na hindi mag-post ng kung anu-ano sa social media.
Gayunpaman, ang isang nursing student ay dapat na mas may sense kaysa sa ibang kabataan…dapat ay alam niyang huwag na kunan ng litrato ang pali ng isang pasyente!
Ang pinakamalala sa lahat ng ito, ay ang pali na pinost ni Gulnaz ay nanggaling sa isang 16-year-old na babae na nagpakamatay! Tinawanan pa ni Gulnaz ang babae, na overweight daw.
Naligtas ng mga doktor ang buhay ng babae, na nagtangkang magpakamatay, pe...
- Title
- Beijing officials, naghanap ng bomba...sa puwit ng mga kalapati!
- Runtime
- 1:14
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Mga Chinese officials, naghanap ng bomba…sa puwit ng mga
kalapati!
Ang National Day celebrations na isinasagawa sa Beijing, bawat October 1st, ay para ipagdiwang ang pagtayo ng People’s Republic of China. Dahil dito, ay ginagawa ng mga Chinese officials ang lahat para masiguradong maiwasan nila ang mga pagkakamali at anumang security breaches na maaring mangyari.
Kaya naman pala nagsagawa sila ng ‘anal security checks,’ sa mahigit sampung libong ibon, na ipinakawala sa ceremony, itong nakaraang October 1st!
Habang tama lang naman na mag-alala ang Beijing sa posibleng terrorist attack – ano naman klaseng contraband ang inaasahan nilang madadala ng mga kalapati sa kanilang mga puwit?!
At kung wala naman silang natagpuang bomba sa puwit ng mga ibon…hindi pa rin nila mapipigilan ang mga ito sa paglabas ng isang klaseng ‘bomba’…dahil natural lang naman ito sa kanila.
Ano sa tingin niyo – tama lang ba...
- Title
- Lesbian partners, nagkaroon ng African-American baby dahil sa pagkakamali ng sperm bank!
- Runtime
- 1:02
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Dalawang lesbian, nagkaroon ng African-American na baby, dahil sa isang pagkakamali pagdating sa sperm donor!
Si Jennifer Cramblett ng Uniontown, Ohio, ay dinedemanda ang isang Chicago area sperm bank – dahil nagkamali ito sa pagbigay sa kanya ng sperm!
Ang 36-year-old na babae, at ang lesbian paryner niyang si Amanda Zinkon ay gusting-gustong magka-baby, kaya pumili sila ng Caucasian donor, para ma-fertilize ang eggs ni Jennifer.
Pero ang kanyang order para sa white meat ay naging dark meat – nang hindi niya pinapahintulot!
At once you go black --- you can’t go back.
Ngayon ay dinedemanda ni Jennifer at Amanda ang sperm bank, para sa hardship at anxiety ng pagpapalaki sa isang mixed na bata, sa isang all-white na komunidad.
Para sa mga openly gay na mag-partner, na nagrereklamo tungkol sa pagpapalaki ng isang mixed-race na bata…parang mali ano? Mag-iwan ng opinyon sa comments.
For news ...
- Title
- Patay na babae, narinig na nagsisigaw at nagkakatok mula sa kanyang kabaong!
- Runtime
- 0:53
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Patay na babae, narinig ng mga taong nagsisigaw at nagkakatok mula sa loob ng kanyang kabaong!
Isang 45-year-old na babae ang nabaon nang buhay, at narinig na nagsisigaw at nagkakatok mula sa kanyang kabaong, sa isang Greek na sementeryo noong Huwebes.
Ang babae ay idineklarang patay ng mga doktor, na ginagamot ang kanyang cancer,
Pero matapos umalis ang mga bisita mula sa libing ng babae, sa sementeryo, nagising diumano ang babae at nagsisigaw at nagkakatok mula sa loob ng kabaong!
Narinig diumano ng mga nalalapit na residente at mga bata ang sigaw ng babae mula sa ilalim ng lupa, at nagtawag sila ng pulis.
Nagmadali ang mga workers sa sementeryo na hukayin ang lupa para maligtas ang babae, pero nawalan na ito ng hininga sa loob ng kabaong.
Pero ayon sa isang doktor, na in-examine ang katawan ng babae, ito ay nasa kalagayan ng rigor mortis, at wala siyang natagpuang ebidensiya ng pagkawalan ng hininga sa lo...
- Title
- Spanish wine specialist, nahilo sa amoy ng alak, nahulog sa wine vat at namatay!
- Runtime
- 0:41
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Isang wine specialist sa Spain, namatay matapos mahulog sa wine vat, dahil hindi niya nakayanan ang amoy ng alak!
Isang Spanish winemaker ang namatay dahil hindi siya makahinga, at nahulog siya sa napakalaking lalagyan ng alak, sa winery ng kanyang pamilya sa Salas de los Barrios, sa El Bierzo.
Si Nerea Perez ay nagta-trabaho sa winery, na pinapatakbo ng kanyang tito na si Raul Perez, isang kilalang winemaker.
Lunes ng hapon, inoobserbahan ng 25-year-old na babae ang fermentation process sa isang industrial cellar, nang hindi niya nakayanan ang amoy ng alak, na lumabas dahil sa fermentation…nahilo siya, nawalan ng balance, at nahulog sa vat.
Natagpuan ng kanyang tito ang kanyang katawan, at nagtawag ito ng emergency servies – pero huli na ang lahat, at hindi na naligtas ang babae.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to sta...
- Title
- Teenager sa Texas, iniinom ang sarili niyang sperm para kumita ng pera!
- Runtime
- 1:25
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Imagine kung nakilala kayo ng buong mundo, bilang isang lalaking iniinom ang sarili niyang…juice?
Ito si Michael Hoffman. Guwapo naman diba? Sorry boys, he’s straight…pero okay lang din sa kanya ang mag-‘perform’ para sa inyo.
Ilan sa inyong mga straight guys ang naglaro ng, “magkano ang gusto niyong bayad para bigyan ng blowjob ang isang lalake? 1,000? 3,000? 10,000 dollars? Magkano?
Sa mga nagsasabing NEVER silang mangbo-blowjob ng lalake, para sa kahit na anong halaga…eto na bagong tanong: magkano ang gusto niyo para mag-masturbate, sabay inom sa sarili niyong juice?!
Si Michael Hoffman ay isang college student na medyo sumikat ngayon, matapos kumalat ang mga video kung saan siya ay nagma-masturbate, at pagkatapos ay iniinom ang sarili niyang sperm!
May nakakita sa mga video niya at pinagtawanan si Hoffman. In fairness kay Hoffman, hindi siya nagwala, nagalit o nagtago…nagpa-interview pa siya kung saan ...
- Title
- Say 'ello' to Ello - ang social media platform na gustong pumalit sa Facebook!
- Runtime
- 1:16
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Ang Ello na kaya ang magiging kapalit ng Facebook?
Kung sakaling wala kayong balita, may isa pang social media network na malapit nang i-launch.
Ang Ello ang gustong maging kauna-unahang social media site sa mundo, na hindi tina-track ang pagkilos ng mga users sa Internet, at hindi din pilit na isasaksak ang mga ads sa ating mga computer.
Hindi natin pwedeng kalimutan ang isang napakalalaking network na gamit ng halos lahat ng tao sa buong mundo…ang Facebook ay kumikita ng bilyon-bilyon sa pamamagitan ng mga user profiles, na naipagpapalit nila para sa ad revenue.
Gusto itong baguhin ng Ello, na makikita sa kanilang slogan: “You are not a product.” Simple lang ang kanilang design, na nakatutok sa interaction sa pagitan ng mga magkakaibigan. Mukhang okay ang konsepto, pero paano na kung ako lang sa loob ng aking social circle ang gumagamit nito?
May ibang mga social networks na gaya ng Google Plus ang nangako na ga...
- Title
- OMG! Giant 9-pound hairball, natagpuan sa loob ng tiyan ng isang teenager!
- Runtime
- 1:05
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Giant hairball, natagpuan sa loob ng tiyan ng isang teenager!
Hindi makapaniwala ang mga doktor sa Kyrgyzstan nang natanggal nila ang giant hairball na may 9 pounds ang bigat, mula sa tiyan ng isang 18-year-old na babae! Ito ang pinakamalaking hairball na kanilang nakita sa loob ng limampung taon!
Si Ayperi Alekseeva ay may ugaling pulutin ang buhok mula sa carpet, na kanyang kinakain! Mahilig din siyang nguyain ang dulo ng sarili niyang buhok.
Nangayayat siya dahil hindi niya ma-take ang pagkain at kahit na tubig; at palaging masakit ang kanyang tiyan.
Ipinakita ng mga X-ray ang isang harang sa kanyang upper digestive system, at nagdesisyon ang mga doktor na agad siyang operahan.
Natanggal ng mga doktor ang napakalaking hairball, na may bigat na 9 pounds – mas mabigat pa sa mga kapapanganak na baby!
Ayon sa mga doktor, kung hindi dahil sa emergency procedure ay maaring mamatay ang babae.
Ayon ...
- Title
- Bumbero sa Washington State, niligtas ang mga baby hamsters mula sa sunog!
- Runtime
- 1:13
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Mga bumbero sa WashingtonState, gumamit ng maliit na oxygen masks para iligtas ang isang pamilyang hamsters mula sa isang sunog!
Rumispondi ang mga bumbero sa isang sunog sa isang mobile home – kung saan na-trap ang tatlong baby hamsters na nahirapan nang makahinga.
Iniwan diumano ng isang babae na naka-on ang kanyang hair dryer sa kanyang mobile home sa Olympia, Washington, noong isang linggo. Pagbalik niya sa bahay, nasusunog na ito, at pinapatay ng mga bumbero ang apoy.
Nasa eskuwelahan ang kanyang mga anak, pero nasa loob ng bahay ang kanilang mga alagang hayop.
Matapos patayin ng mga bumbero ang apoy, natagpuan nila ang isang pamilyang hamsters, na hindi makatakas mula sa kanilang kulungan. Gising ang ama’t ina, pero ang tatlong baby hamsters ay hindi na gumagalaw.
Gumamit ng mga makeshift oxygen masks at plastic bag na may mga oxygen tubes ang mga bumbero, para maligtas ang mga hinimatay na hamsters.

