TomoNews Philippines (Filipino)
Babae sa Canada, nakatakas sa isang cougar, salamat sa sibat!
- Title
- Babae sa Canada, nakatakas sa isang cougar, salamat sa sibat!
- Runtime
- 0:36
- Date posted
- 13 years ago
- Description
- Babae sa Canada, nakatakas sa isang cougar, salamat sa sibat!
Isang lalaki sa Canada...nakapatay ng hayop na ganito...gamit nito.
Ang kanyang kaibigan na babae ay naghahardin, nang....narinig ng lalaki ang mga sigaw ng babae. Kumuha siya ng sibat, at tumakbo papunta sa kanyang kaibigan.
Nasaktan ang babae, pero nakaligtas siya sa panganib. Samantalang ang puma, ay hindi kasingswerte.
Gagawan ng eksaminasyon ang puma upang matukoy kung bakit inatake nito ang mahigit animnapung taong gulang na babae.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
- Title
- Lalaking bagong-kasal, pinatay ng asawa 8 araw matapos ikasal
- Runtime
- 0:55
- Date posted
- 13 years ago
- Description
- Lalaking bagong-kasal, pinatay ng asawa 8 araw matapos ikasal
Si Jordan Johnson ay isang linggong bagong-kasal, nang itinulak niya ang kanyang asawa habang sila'y nakatayo sa isang matirik na talampas.
Si Jordan, at ang kanyang asawa na si Cody Lee Johnson, ay nag-away sa gitna ng pagha-hiking sa Glacier National Park, sa Estados Unidos.
Sinunggaban duimano ni Cody ang braso ni Jordan, na siya namang umiwas, sabay tulak kay Cody habang ito'y nakatalikod.
Si Cody ay nahulog mula sa talampas at namatay. Walong araw pa lamang ang nakalipas nang sila'y ikasal.
Nagsinungaling si Jordan tungkol sa mga pangyayari at sinabi na iniwan siya ni Cody matapos nilang mag-away.
Sinabi niya sa pulis na nakita niya ang katawan ng asawa sa ilalim ng talampas, pero hindi nagtagal at inamin rin nito sa FBI ang buong katotohanan.
Si Jordan Johnson ay inaresto sa pagpatay sa kanyang asawa, at haharapin ang kasong ...
- Title
- UCLA football player Nick Pasquale, nasagasaan at namatay
- Runtime
- 0:46
- Date posted
- 13 years ago
- Description
- UCLA football player Nick Pasquale, nasagasaan at namatay
Si Nick Pasquale ay isang estudyante at football player sa UCLA, na nasagasaan ng kotse habang siya ay naglalakad sa San Clemente, Estados Unidos, itong nakaraang Linggo.
Ang freshman wide receiver para sa UCLA ay naglalakad sa isang residential area, bandang ala una y media ng madaling araw, nang muntikan na siyang masagasaan ng isang kotse.
Buti na lang at umiwas ang kotse at hindi siya tinamaan. Pero ang hindi alam ni Pasquale ay may pangalawang kotse na parating, at ito ang sumagasa sa kanya.
Nagtawag ng tulong ang driver na nakasagasa kay Nick, at sinamahan ang biktima sa paghintay.
Si Pasquale ay kinumpirmadong patay sa eksena ng aksidente. Hindi inaresto ang driver na nakabangga sa kanya.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top...
- Title
- Hate Crime sa NYC: Jeffrey Babbitt, 62, namatay
- Runtime
- 0:53
- Date posted
- 13 years ago
- Description
- Hate Crime sa NYC: Jeffrey Babbitt, 62, namatay
Isang animnapu't dalawang taong gulang na lalaki ang namatay noong Lunes nang siya ay inasulto ng isang taong hindi niya kilala, sa siudad ng New York, sa Estados Unidos.
Si Jeffrey Babbitt ay isang retiradong konduktor ng tren, na namasyal sa Union Square bandang alas tres ng hapon ng Miyerkules noong isang lingo.
Si Lashawn Marten ay walang natutuluyan. Pinapanood niyang maglaro ng ahedres, o chess, ang mga tao sa park, at nagalit ito nang walang nakipaglaro sa kanya.
Ayon sa mga saksi, nagbitaw ng salita si Marten na ang susunod na makita niyang "puti" ay bubugbugin niya.
Sinuntok ni Marten si Babbitt, at malakas na tinamaan ang ulo ni Babbitt nang siya'y bumagsak sa lupa.
Dalawa pang tao and inasulto ni Marten bago siya nag-utos na gusto niyang makakita ng pulis.
Ayon sa NYPD Commissioner na si Ray Kelly, iniimbestigahan ng pulis ang mga p...
- Title
- Racist customer sa Red Lobster, binastos ang server sa resibo
- Runtime
- 1:20
- Date posted
- 13 years ago
- Description
- Racist customer sa Red Lobster, binastos ang server sa resibo
Ito si Toni Christina Jenkins. Siya ay labingsiyam na taong gulang, nakatira sa Nashville, Tennessee (sa Estados Unidos), at kasalukuyang nag-aaral para maging nars.
Kasalukuyan rin siyang nagtatrabaho sa restawran na Red Lobster, na kung saan siya'y may naengkwentrong dalawang rasista.
Ayon kay Jenkins, matapos magbayad ng dalawang kostomer, ay nagsulat ang mga ito ng napakabulgar na salita sa resibo ng credit card, kung saan dapat ay nag-iwan sila ng tip.
Halos hindi makapagsalita si Jenkins sa sobrang gulat. Ipinakita niya ang resibo sa kanyang manager, na siya namang nanigurado na walang pagkakamali sa pangyayari si Jenkins.
Ipinost ni Jenkins sa kanyang Facebook ang resibo, para maibahagi ang nangyari sa iilang mga kaibigan.
Ngunit ang kanyang post ay nakakuha ng atensiyon mula sa mga web site tulad ng Gawker at Daily Mail -- at mabilis na...
- Title
- Zumur swing sa Oyster Festival, nasira; 12 bata nasaktan
- Runtime
- 0:58
- Date posted
- 13 years ago
- Description
- Zumur swing sa Oyster Festival, nasira; 12 bata nasaktan
Isang dosenang bata ang nasaktan nang masira ang kanilang sasakyan sa isang karnabal.
Ang naturang sasakyan ay itinatawag na Zumur, sa Osyter Festival sa Norwalk, Connecticut.
Ang sasakyan na ito aty paikot-ikot, para makabuo ng momentum na siya namang ikatutuwa ng mga nakasakay.
Ngunit ang hindi nila maipaliawanag ay ang biglaang pagtigil ng sasakyan, na kung saan malamang nabigyan ng whiplash ang mga batang nakasakay.
Ayon sa mga nakasaksi ng pangyayari, nagkauntugan at nagkabanggaan ang mga bata sa isa't isa.
May mga nagsasabi rin na may mga batang natulak papalabas mula sa kanilang kinauupuan, ngunit ayon sa pulisya ay wala namang ebidensiya na ganoon nga ang nangyari.
Sinara ng kumpanya na Stewart Amusement ang sasakyan na Zumur para ito'y ma-inspeksyunan. Pero para sa labindalawang bata at isang matanda, kahit ano pang gawin nil...
- Title
- Lalaking napilitang sumayaw sa isang job interview, na-trauma at napahiya
- Runtime
- 0:54
- Date posted
- 13 years ago
- Description
- Lalaking napilitang sumayaw sa isang job interview, na-trauma at napahiya
Isang aplikante ang nagpa-interview para sa isang posisyon sa kompanya na itinatawag na "Curry's," sa United Kingdom. Matapos siyang pilitin na sumayaw na parang robot sa harap ng employado ng naturang kompanya, ay siya namang nakapanayam ng media.
Ang aplikante na si Alan Bacon ay dumating sa kanyang job interview na nakasuot ng pormal na pananamit. Inasahan niyang ito ay isang normal na panayam para sa trabaho na nais niyang pasukin.
Sa naturang interview, lahat ng aplikante ay inutusang panoorin ang music video ng grupong Daft Punk, at gayahin ang sayaw sa tugtog ng "Around The World."
Ayon kay Alan, lubos na nga siyang napahiya dahil sa insidente - hindi pa siya nabigyan ng trabaho.
Humingi naman ng paumanhin ang kompanyang Curry's, at sinabing ang pagsayaw ay bahagi ng team building sa loob ng kanilang opisina.
For news that...
- Title
- WARNING Graphic Content: Epekto ng Syria nerve gas attack
- Runtime
- 1:49
- Date posted
- 13 years ago
- Description
- WARNING Graphic Content: Epekto ng Syria nerve gas attack
Itong nakaraang Sabado ay inilabas ng Intelligence Committee ng Senado ng Estados Unidos ang ilang video na kung saan at makikita ang paggamit ng sandatang kemikal sa Syria.
Makikita sa video ang kakakot-takot na larawan ng mga sibilyan sa Syria -- maging lalaki, babae, o bata - na kinukumbolsiyon at hirap huminga. Sila ay biktima ng pagkalason mula sa nerve gas na ginamit sa kanila.
Ang mga larawan na ito ay ipinakita ng Secretary of State ng Estados Unidos na si John Kerry, bilang patunay na ang puwersa ni Assad...ay gumamit ng kemikal na sarin sa pag-atake sa Damascus noong umaga ng ika-dalawampu't isang araw ng Agosto.
Ang kemikal na ahente gaya ng sarin ay karaniwang naihahatid sa pamamagitan ng dalawang shell container, na naglalaman ng dalawang magkaibang kemikal.
Sa pagpapaputok ay bumibigay ang disk na naghihiwalay sa dalawang klaseng kemikal.
...
- Title
- Biruan ng magkaibigang Premila Lal at Nerrek Galley, nauwi sa kamatayan
- Runtime
- 0:44
- Date posted
- 13 years ago
- Description
- Biruan ng magkaibigang Premila Lal at Nerrek Galley, nauwi sa kamatayan
Isang labingwalong taong gulang na babae ang nabaril at napatay ng kanyang kaibigan sa estado ng Colorado, matapos itong pabirong nagtago sa loob ng cabinet.
Si Premila Lal ay nasa kanyang bahay, kasama ang dalawa niyang kaibigan, at kapatid na lalaki.
Naisipan niyang magtago sa loob ng kabinet para takutin ang kanyang mga kasama, ngunit nang siya'y lumabas sa kabinet, ay binaril siya ng kanyang kaibigan na lalaki na si Nerrek Galley - na siya namang mahilig maglaro ng baril.
Agad nilang isinugod sa ospital ang babae, ngunit hindi na ito umabot. Si Premila ay namatay, isang oras matapos ang lahat ng pangyayari.
Kakaunti lang ang nasabi ng pulis tungkol sa insidente -- ipinahayag lamang nila na ang mamamaril ay inaresto para sa mga krimen na hindi kaugnay ng pagkamatay ng kanyang kaibigan.
For news that's fun and never boring, ...
- Title
- Mga bulag sa Iowa, bawal magmaneho, pero pwedeng gumamit ng baril?!
- Runtime
- 0:55
- Date posted
- 13 years ago
- Description
- Mga bulag sa Iowa, bawal magmaneho, pero pwedeng gumamit ng baril?!
Mahilig talaga sa baril ang mga Amerikano.
At sa estado ng Iowa, kahit ang mga bulag ay may mga baril.
Kahit na ang legal na bulag ay hindi binibigyan ng lisensya sa pagmamaneho sa estado ng Iowa, wala namang nakasulat sa aplikasyon na kailangang nakakakita ka ng malinaw para sagutin ang mga tanong dito. Kaya kahit ang bulag ay nabibigyan ng pahintulot na magkaroon ng baril.
Para sa mga sumusuporta sa aksiyon na ito, ang pagbabawal sa mga bulag na magkaroon ng baril ay labag sa Americans with Disabilities Act, o Kilos Para sa Amerikanong May Kapansanan.
Ayon sa mga may-ari ng baril, naniniwala sila na hindi mo kailagan ng mabuting paningin para gumamit ng baril.
Hindi kami sigurado diyan.
Kahit ang sikat na bulag na singer na si Stevie Wonder ay hindi makapaniwala -- aniya'y nakakalokong isipin ang kanyang sarili na may hawa...
- Title
- Sports fan, namatay papunta sa stadium sa San Francisco
- Runtime
- 0:44
- Date posted
- 13 years ago
- Description
- Sports fan, namatay papunta sa stadium sa San Francisco
Nahulog at namatay ang isang isports fan sa Candlestick Park sa San Francisco, sa Estados Unidos.
Ang nasawi at ang kanyang kapatid na lalaki ay naglalakad patungo sa isports stadium, bandang ala una y medya ng hapon.
Nasa taas ng daanan ang magkapatid, nang nahulog ang biktima, na ayon sa mga ulat ay trenta anyos.
Ang trenta anyos na biktima ay idineklarang patay sa eksena.
Ang kaligtasan ng mga fans ay isa sa mga kritikal na isyu pagdating sa malalaking kaganapan ng palakasan.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
- Title
- Prince Andrew, napagkamalang intruder sa Buckingham Palace
- Runtime
- 0:47
- Date posted
- 13 years ago
- Description
- Prince Andrew, napagkamalang intruder sa Buckingham Palace
Dalawang pulis opisyales sa United Kingdom -- mas palpak pa sa grupong ito!
Nagkaroon ng drama nitong huling Miyerkules, nang ang anak ni Queen Elizabeth the Second na si Prince Andrew ay nagdesisyong maglakad-lakad sa hardin ng Buckingham Palace.
Dahil may nahuling intruder sa loob ng Palace, dalawang araw na nakalipas - naka-high alert ang dalawang nakabantay na pulis opisyales. Nang makita nila si Prince Andrew, hindi nila ito agad nakilala - kaya ito'y kanilang nilapitan, at hinamon.
Hindi na kailangan pang sabihin, na nang malaman nila kung gaano kalaki ang kanilang pagkakamali, ay sobrang na-shock itong dalawang pulis opisyales. At galit na galit naman itong si Prince Andrew.
Humingi ng paumanhin ang Scotland Yard para sa kung anumang abala ang resulta nitong hindi pagkakaunawaan.
Mapagbigay-loob namang tinaggap ni Prince Andrew ang paghingi ...
- Title
- 107 anyos na lalaki, pinatay ng SWAT team sa sariling bahay
- Runtime
- 1:00
- Date posted
- 13 years ago
- Description
- 107 anyos na lalaki, pinatay ng SWAT team sa sariling bahay
Ito ay isang larawan ni Monroe Isadore, na kinunan sa kanyang kaarawan tatlong taon nang nakalipas. Si Isadore ay isang daan at pitong gulang, legal na bulag, at mahina ang pandinig.
Itong nakaraang Sabado, si Isadore ay binaril at pinatay ng isang SWAT team, sa loob mismo ng sarili niyang bahay - sa Pine Bluff, Arkansas, sa Estados Unidos.
Ayon sa mga ulat, rumisponde ang pulis sa kaguluhan na nangyari, nang ikinulong ni Isadore ang kanyang sarili sa isang kwarto sa kanyang bahay.
Ayon sa pulis, nagpaputok ng baril si Isadore mula sa loob ng kwarto, at dahil dito ay tumawag sila ng tulong mula sa SWAT team.
Sa pamamagitan ng paggamit ng camera, ay nakumpirma ng SWAT team, na may hawak na baril si Isadore.
Sinundan nila ito ng paggamit ng tear gas, upang makapasok sa kwarto, at doon nila nabaril at napatay si Isadore.
Salamat sa Diy...

