TomoNews Philippines (Filipino)
Korean Airlines VP, nagalit dahil sa mani; napilitan tuloy na mag-resign!
- Title
- Korean Airlines VP, nagalit dahil sa mani; napilitan tuloy na mag-resign!
- Runtime
- 1:17
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Korean Airlines Vice President…nagwala…dahil sa…mani!
Hindi kami sigurado kung ano ang nagtulak sa Korean Airlines VP na si Heather Cho na mawalan ng kontrol noong Biyernes, pero sapat na ito para utusan niya ang piloto na ibalik ang eroplano sa gate.
Ang Korean Airlines Flight 86, papuntang Seoul, ay nakaalis na mula sa gate sa New York JFK airport. Nagtataxi na ang eroplano, at namimigay ng mga merienda at inumin ang mga flight attendants.
Hindi natuwa si Cho sa macadamia nuts na naiabot sa kanya…dahil hindi ito nakalagay sa tasa. Kaya dumiretso siya sa flight purser, at tinanong niya kung bakit hindi nakalagay sa tasa ang macadamia nuts, at bakit hindi siya binigyan ng ibang pagpipilian. Hindi siya masagot nang diretso ng purser, kaya inutusan niya ang piloto na ibalik ang eroplano sa gate, para mapaalis niya ang purser!
May mga taong kumampi kay Cho, at sinabing, “paano na kung may taong allergic sa macadamia nuts?” An...
- Title
- Teenager, binuhusan ng lighter fluid sa lalamunan, at sinindihan ng apoy!
- Runtime
- 1:23
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Teenager, namatay matapos mabuhusan ng lighter fluid sa lalamunan, at sinindihan ng apoy!
Isang 19-year-old na teenager ang brutal na pinatay sa sa tahimik na bayan ng Courtland, Mississippi. Nangyari ang krimen, Sabado ng gabi, at ikinagulat ng maliit na komunidad, kung saan may apat na daan at animnapung tao ang naninirahan.
December 6 ng gabi, tinawagan ng 19-year-old na si Jessica Chambers ang kanyang ina, para sabihing lilinisin niya ang kotse niya, at kakain siya sa labas. Nag-I love you siya sa kanyang ina, at sinabing hindi siya magtatagal. Pero hindi na siya nakauwi.
Ayon sa ama ni Chambers, may umatake sa kanyang anak, na binuhusan ng lighter fluid ang lalamunan at ilong ng babae, bago ito sinindihan ng apoy. Si Chambers din ay may sugat sa kanyang ulo. Natagpuan siya ng isang taong napadaan sa eksena, na tumawag sa Sheriff’s office tungkol sa isang nasusunog na kotse, sa Herron Road malapit sa Highway 51.
Pagdating ng mg...
- Title
- Lalaking magpapakain sa anaconda sa Discovery Channel, hindi natuloy!
- Runtime
- 1:13
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Hindi natuloy ang pagkain sa isang lalake ng isang anaconda, sa Discovery Channel!
Ang Internet ay napuno ng mga nabigong manonood, na naghintay na mapanood si Paul Rosolie, na makain nang buhay ng isang 18-foot anaconda, sa two-hour special na “Eaten Alive” sa Discovery Channel, Lunes ng gabi.
Ang mahabang event ang nagdala sa mga manonood ng isang daang milya papunta sa Amazon, para mapanood si Rosolie na magsuot ng isang espesyal na carbon fiber suit, na ginawa para maprotektahan ang ribs ni Rosolie, na maaring madurog habang sinasakal siya ng anaconda. Pero nakalimutan nila ang tungkol sa kamay at paa ni Rosolie.
Ang helmet niya ang nagsupply sa kanya ng oxygen, at may dalawang camera sa kanyang suit para mairecord ang dalawang oras ng muntikan nang pagkain sa kanya ng ahas.
Sa sandaling akala namin ay makakain na si Rosolie, ay sinabi niyang naramdaman niyang malapit nang mabali ang kanyang kamay – at doon na siya niligtas ...
- Title
- Mark Zuckerberg, sumisipsip sa China, kung saan banned ang Facebook!
- Runtime
- 1:15
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Mark Zuckerberg, sipsip sa Internet security head ng China!
Ang Facebook ay banned pa rin sa China. Malamang ay mananatili itong banned, dahil may Facebook copycat na sila, na RenRen. Pero hindi pa rin mapipigilan si Zuckerberg mula sa pagsipsip sa Chinese government.
Matapos ipakita sa mundo na marunong siyang magsalita ng Chinese, ay naka-focus naman si Zuckerberg sa pagsipsip kay Lu Wei, ang boss ng internet regulators sa China – na nagsagawa ng fact-finding mission sa US kamakailan.
Nang dinalaw ni Lu ang opisina ng Facebook sa Menlo Park, kinausap siya nang Chinese ni Zuckerberg, na masayang sinalubong ang vice minister ng State Internet Information Office.
Pinaupo ni Zuckerberg si Lu sa mesa niya, kung saan nagkataon na may kopya ng libro ni David Beckham at ng libro ng Chinese dictator Xi Jinping na “The Governance of China.”
Sinabi ni Zuckeberg kay Lu na bumili rin siya ng kopya ng libro ni Xi para sa iilan ...
- Title
- LAPD, binaril ang isang street performer sa harap ng turista sa Hollywood!
- Runtime
- 1:21
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- LAPD, binaril ang isang Hollywood street performer na may dalang pocket knife, sa harap ng mga turista!
Dose-dosenang mga tao ang nagkuhaan ng litrato at video ng isang police shooting, kung saan namatay ang isang street performer, sa Hollywood Walk of Fame.
Hindi pa nagre-release ng official report ang pulis, pero itinweet niya ang litrato ng ‘deadly weapon’ ng lalake…isang maliit na pocket knife.
Malabo ang mga detalye ng shooting, na nangyari noong Biyernes ng gabi – at iba-iba rin ang mga witness accounts.
Pero ang malinaw na detalye, ay may dalang pocket knife ang lalake sa kanto ng Hollywood Boulevard at highland Avenue. At habang hindi pa nalalaman ang impormasyon tungkol sa kanya, siya ay isang street performer na nakadamit na gaya ng kontrabida sa pelikulang Scream – at kumuha siya ng mga litrato kasama ang mga turista.
Mukhang wala siyang suot na costume sa oras ng shooting. Ayon sa iilang mga report, ...
- Title
- Bagong Japanese invention: mind controlled remote ring!
- Runtime
- 1:02
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Handa na ba tayo --- para sa “mind-controlled remote ring?”
Isang Tokyo-based na startup investment firm, Global Brain, ang nag-announce na mag-i-invest sila sa Ozon – isang gesture control device na nagkakasya sa daliri ng tao.
Ang dating mga disenyo ng ganitong klaseng device ay malaki – pero ang Ozon ay ang kauna-unahang device na kasinglaki ng singsing, at maari nitong ikontrol ang mga TV, smart phones, computer, camera, at pati mga light fixtures. Gagamitin natin ang utak natin para makontrol ang mga electronic devices, pero kailangan nating bumili ng Ozon brand devices para magamit ang Ozon ring remote.
Ito na ba ang solusyon sa paggamit ng ating mga utak para makipag-communicate, kahit na paralyzed an gating mga katawan? O masyado itong mala-science fiction sa ngayon? Mag-iwan ng opinyon sa comments.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
- Title
- VIDEO: Russian train crew, sadyang sinagasaan ang isang oso!
- Runtime
- 1:02
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Russian train crew, sadyang dinaanan ang isang wild bear!
Isang nakaka-shock na 20-second video, ang nagpapakita sa sandaling sadyang sinagasaan ng isang grupong Russians ang isang wild bear, gamit ang tren na kanilang minemaneho.
Ang video ay nakunan ng 30-year-old na driver ng tren, alas dos ng madaling araw noong Huwebes. Makikita ang oso, na tumatakbo mula sa padating na tren, sa riles sa Norilsk.
Imbes na pabagalin ang tren, pinabilis pa ng engineer ang tren, para habulin ang oso, habang nagsisigaw ang dalawa pang lalake ng, “Effing squash him!”
Hindi malinaw kung paano, pero ayon sa operator ng tren, ay buhay at naligtas ang oso.
Walang nakitang bakas ng dugo ang mga patrol, kaya maaring hindi nakatanggap ng seryosong trauma ang oso.
Nagsagawa ng 24-hour search ang prosecutor’s office, at wala silang nakitang bakas ng katawan ng oso. Ayon sa local media, naireport din ng mga residente na nakita ni...
- Title
- Guidance counselor, makukulong ng 14 na taon dahil nakipag-sex sa bata!
- Runtime
- 1:11
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Pinakabulok na guidance counselor sa buong mundo, nakipag-sex sa isang bata, at tinawag pang biktima ang kanyang sarili!
Wala kaming duda na hindi kayo mahihirapang magdesisyon kung ang bida n gating kuwento ay nasty or nice.
Ang 33-year-old na dating school counselor sa Smokey Valley Middle School sa Salina, Kansas, na si Brooke Dinkel, ay nasentensiya ng labing-apat na taong pagkabilanggo – dahil nakipag-sex siya sa isang 13-year-old na bata.
Nagsimula palang siyang magtrabaho sa eskuwelahan nang natype-an niya ang batang lalake. Inimbita niya itong magtrabaho para sa kanya, para kumita ng pera. Pero hindi akalain ng bata na isa sa kanyang magiging trabaho ay...ang makipag-sex kay Dinkel.
At dahil walang modo itong si Dinkel, kinuwento pa niya sa mga kaibigan at katrabaho niya ang detalye ng kanilang sex life. At matapos siyang maaresto, ay sumuway pa siya sa court order na nagbabawal sa kanya na kontakin ang bata.
N...
- Title
- Mahigit isang milyong tao, naapektuhan ng Typhoon Hagupit sa Pilipinas!
- Runtime
- 0:56
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Milyon-milyong tao, naapektuhan ng bagyo sa Pilipinas!
Nadaanan na naman ang Pilipinas ng isang malakas na bagyo.
Ang Typhoon Hagupit, na kilala rin bilang superstorm Ruby, ang pinaka-bayolenteng bagyo sa buong mundo sa taong ito – at dumiretso ito sa Pilipinas, kung saan mahigit isang milyong tao ang nawalan ng tirahan. Biglaan ang pagdating ng bagyo…dahil maaring naharang ng isang CNN anchor ang view ng weather forecast.
Isinara ng gobyerno ang mga eskuwelahan, at nagsara din ang stock exchange sa Pilipinas.
Libo-libong tao ang nagtungo sa mga emergency shelters, pero sa dami ng naghihirap at nangangailangan sa bansa, ay hindi sapat ang mga shelters para sa kanila.
Nagpadala ng pagkain at tulong ang air force, pero maraming apektadong tao ang nagsasabing wala silang natatanggap na tulong.
Dalawampu’t isang tao na ang namatay sa bagyo, pero ang Typhoon Ruby ay wala pa ring sinabi sa Typhoon Haiyan noo...
- Title
- Police officer Adam Johnson, nagsagawa ng di kapani-paniwalang shooting rescue!
- Runtime
- 1:19
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Austin police sergeant Adam Johnson – ang lalaking may golden gun!
Kung hindi niyo ito nabalitaan, ilang linggo lamang ang nakalipas nang ginawang battle zone ang Austin, ng lalaking ito – na si Larry Steve McQuilliams.
Kung hindi dahil sa isang lucky shot ng nag-iisang police officer, ay mas lalo pa dapat na lumala ang sitwasyon.
Sa isang sulat na natagpuan matapos ang insidente, sinulat ni McQuilliams na ang galit niya ay galing sa kahirapan niyang maghanap ng trabahp, dahil sa mga immigrants, na kinukuha ang lahat ng mga trabaho. Dahil dito, ay tinarget niya ang mga building na gaya ng Mexican Consulate at federal courthouse.
Nagbago ang ihip ng hangin nang naisipan ni McQuilliams na targetin ang Austin Police Headquarters. Habang nagse-setup ng perimeter ang mga pulis, nakita ni Sergeant Adam Johnson si McQuilliams, na nasa isang block ang layo, at binaril niya ito gamit ang kanyang 40 caliber pistol – habang binabantayan p...
- Title
- Babae, naghintay ng sampung taon para magantihan ang isang school bully!
- Runtime
- 1:29
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Babae, naghintay ng sampung taon, para magantihan ang isang school bully!
Mahirap maging bata…at mas mahirap maging matabang bata.
Isang 21-year-old na Oxford student ang ginantihan ang kanyang childhood bully – sa pamamagitan ng pag-indyan sa bully sa isang date!
Si Louisa Manning ay na-bully sa eskuwelahan noong siya ay bata pa. Tinawag siyang ‘manbeast’ at lagi siyang tinukso tungkol sa kanyang kabigatan at body hair.
Dahil sa verbal abuse, nagkaroon ng eating disorder, anxiety, at low self-esteem si Manning. Buti na lang at isa na siyang self-confident na babae ngayon.
Noong isang linggo, nagulat si Manning nang nakasalubong niya ang isa sa kanyang mga childhood bullies, sa Oxford Yule Ball – at niyaya pa siya sa isang date ng lalake! Umoo si Manning, na may ibang plano, Nagpunta siya sa restaurant nang maaga, at inabot ang isang sulat sa isang waiter, para maiabot ito sa kanyang date.
Sa sulat,...
- Title
- Pelikulang "Exodus" ni Ridley Scott, mukhang hindi kikita sa mga manonood!
- Runtime
- 1:49
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Ang pelikulang ‘Exodus’ ng direktor na si Ridley Scott ay ipapalabas sa December 12, pero mukhang hindi ito kikita sa mga manonood.
Ang ‘Exodus’ ay mukhang mas sumusunod sa yapak ng action-packed na ‘Noah’ ni Darren Aronofsky, imbes na sundan ang mas Biblically accurate – at lubusang pinakakitaan na “Passion of the Christ.” Mukhang hindi rin makakamit ng ‘Exodus’ ang kahit na kaunti ng box office success ng pelikulang ‘Ten Commandments.’ Bakit?
Unang-una, ang cast ng ‘Exodus’ ay puro puti, ay hindi mukhang mga ancient Egyptians. Ayon sa director, pinili niyang bumida bilang Moses ang Batman actor na si Christian Bale, dahil kung hindi ay walang magfa-finance ng pelikula.
Pangalawa, kung gagawa ka ng biblical story – gumawa ka ng biblical story. Ang Ten Commandments ay hindi nahirapang gamitin ang scripture mula sa Bibliya, at kumita ng malaki. Sa ‘Exodus,’ ang parting of the Red Sea ay mukhang isang tsunami. Ta...
- Title
- Neo-Nazi police chief, kusang tumalon sa lion enclosure sa Barcelona Zoo!
- Runtime
- 1:03
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Neo-Nazi police chief, inatake ng leon, matapos syang tumalon sa lion pit sa Barcelona Zoo!
Isang dating police chief sa Espana, na mahilig magpunta sa mga Neo-Nazi na rally, ay inatake ng tatlong leon, matatpos siyang tumalon sa lion enclosure sa Barcelona Zoo noong Linggo!
Suot ang army fatigues, tinalon ni Justo Jose ang isang bakod, at nagpunta sa lion’e den.
Mukhang nahihirapan na ang dating head ng police force ng Gelida municipality, sa labas ng Barcelona, na nasa extended leave matapos silang maghiwalay ng kanyang asawa. Sumama sa asawa niya ang kanyang anak, at namatay ang kanyang ina. Kaya kusang pumasok sa lion pit ang 45-year-old na lalake.
Tatlumpung minuto siyang pinagkakagat, pinaghahagis, at pinagngunguya ng tatlong leon…habang walang nagawa kungdi manood ang mga bisita ng zoo.
Maniwala man kayo o hindi – naligtas ang lalake, nan a-rescue ng mga bumbero, na ginamit ang kanilang mga hose para maawat a...
- Title
- VIDEO: Dirty old man, nanghipo habang nagkunwaring tulog sa subway!
- Runtime
- 0:51
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Huli ka! Isang professor, nanghipo habang nagkukunwaring natutulog sa subway!
Isang 58-year-old na assistant professor ang hinipuan ang legs ng isang babae, habang nakasakay sila sa subway – at nahuli sya sa akto ng biktima, na nagawang kunan ng video ang mga pangyayari.
Ang 26-year-old na biktima, na nagngangalang Wu, at ang attacker niya na si Professor Zheng, ay nakasakay sa subway sa Kaohsiung, ang ikalawang pinakamalaking siudad sa Taiwan.
Sinenyasan ni Wu ang dalawang high school students na kunan ng video ang assault, gamit ang kanilang mga telepono. Sa video, makikita natin na inalis niya ang jacket ng lalake, na nagtatakip sa kamay nito, na nakapatong sa hita ng babae.
Ang reaksiyon ng professor? Hinila niya paalis ang kanyang kamay! Nang kinausap siya ng pulis, sinabi niya na nakatulog siya at aksidenteng napunta sa hita ng babae ang kamay niya.
Siya nga naman ay isang highly educated professor, at hindi inter...
- Title
- Lalake, pinatay ang ama, at ginamit na TV stand ang pira-pirasong katawan nito!
- Runtime
- 1:16
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- British na lalake, kinatay ang ama, inilagay ang pira-pirasong katawan sa box, at ginamit itong TV stand!
Nahatulan ng Winchester Crown Court ang 27-year-old na British na lalaking ito ng guilty, sa pagpatay sa kanyang 48-year-old na ama.
Nakaaway ni Nathan Robinson ang kanyang ama na si William Spiller, na inutangan niya ng 60,000 dollars.
Ayon kay Robinson, hindi niya masyadong naaalala ang murder, dahil siya ay ‘emotional traumatized’ sa oras ng insidente, at hindi siya dapat na masisi para sa kanyang ginawa.
Ayon kay Robinson, bumalik ang kanyang trauma mula sa naranasan niyang childhood abuse, nang nadiskubre niyang isang prostitute ang kanyang ina.
Matapos patayin ni Robinson si Spiller, pinaghati-hati niya ang katawan ng 6’5”, 350-pound niyang ama, at inilagay ang iba’t ibang parte sa mga plastic box na ginamit pa niya bilang TV stand.
Nag-rent din si Robinson ng dalawang steam cleaners para ...
- Title
- Mag-ama, pinatay ang pamilya, dahil sila raw ay 'possessed!'
- Runtime
- 0:57
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Tatlong miyembro ng isang pamilya, pinagpapatay dahil sila raw ay ‘possessed.’
Noong Oktubre, sa Shanxi, China, tatlong tao ang pinatay ng sarili nilang pamilya. Noong una ay inakala ng pulis na konektado ang mga murder sa kulto, pero ayon sa imbestigasyon, ang ama ng pamilya na si Mr. Guo, ay masyadong mapamahiin, at madalas na nararamdamang minumulto siya ng masasamang ispirito.
Isang gabi, nakumbinsi si Mr. Guo na ang kanyang asawa ay na-possess ng masamang ispirito, at sa pagtangka niyang ma-exorcise ang evil spirit, ay nabugbog at napatay niya ang babae!
Pagkatapos, ay inakala ng pinakamatandang anak na babae ni Guo na ang masamang ispirito ay nalipat mula sa kanyang ina, papunta sa kanyang 4-month-old na pamangkin. Pinagyuyugyog niya ang kawawang bata para maialis ang evil spirit, pero sa lakas ng pagyugyog ay namatay sa internal brain hemorrhaging ang baby.
Pagkatapos, ay inakala ng anak na babae na nalipat ang evil spirit ...
- Title
- Lalake, pinugutan ng ulo at pinutulan ng daliri ang ina ng kanyang mga anak!
- Runtime
- 0:58
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Lalake, nasentensiya ng habambuhay na pagkabilanggo, para sa pagpatay niya sa ina ng kanyang mga anak!
Noong Oktubre, sa Argentina, ang 44-year-old na si Alejandro Reynoso ay nahatulan ng guilty para sa pagpatay niya sa kanyang 22-year-old na lover na si Solange Aguirre.
Ilang taon ding nagkarelasyon at magkasamang nakatira ang dalawa; nang naghiwalay sila ay may dalawa na silang anak, at hiniling ng babae na magbigay ng child support ang lalake. Nauwi sa away ang usapan, na nauwi sa bayolenteng pagpatay ng lalake sa ina ng kanyang mga anak. Pinugutan pa niya ng ulo ang babae, at pinutulan ng mga daliri, para hindi ito agad na makilala.
Inimbita ni Reynose ang isang kaibigan na mangisda, at nang nakahanap siya ng pagkakataon, ay mag-isa niyang ibinaon sa beach ang walang ulong katawan ng babae.
May nalalapit na mangingisdang nakakita kay Reynose na may ibinabaon sa buhangin, at nagtawag sila ng pulis, na nadiskubre ang bangkay na wala...
- Title
- Gun owner sa Oklahoma, nabaril at napatay ng 3-year-old na anak!
- Runtime
- 0:55
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Mga bata at baril – hindi isang magandang kombinasyon!
Si Brian at Christa Engles ay masayang mag-asawa, na may dalawang anak – isang batang lalaking three years old, at isang batang babae na kaka-one-year-old palang. Ito ang bahay nila sa Tulsa, Oklahoma.
Noong isang linggo, habang pinapalitan ni Christa ang lampin ng kanyang anak na babae, ay naglaro malapit sa kanila ang anak niyang lalake – na nakahanap ng loaded na handgun sa ilalim ng sopa. Napaputok niya ng isang beses ang baril, at tumagos sa ulo ni Christa ang bala.
Natagpuan ng biyenan ni Christa, si Christa at ang dalawang bata, makalipas ang ilang oras – dumaan siya sa bahay at walang sumagot sa pinto. Si Christa ay sinugod sa ospital pero siya ay dead on arrival.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/s...
- Title
- Galit na employado, nag-email ng bomb threat sa kanyang manager!
- Runtime
- 0:53
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Galit na employado, nag-email ng bomb threat sa kanyang manager!
Isang 32-year-old na delivery man sa Taiwan ang naaresto sa Jilong noong isang linggo, dahil nag-email siya ng bomb threat sa dati niyang kompanya.
Ang lalake ay na-transfer mula sa isang south-central branch sa Taiwan, papunta sa Jilong branch. Ayon sa kanya, pinaalis siya sa trabaho ng kanyang manager, matapos silang mag-away tungkol sa pagbabakasyon ng employado.
Ang lalaking nawalan ng trabaho ay vinandalize ang kotse ng kanyang manager, na sprinay paint niya ng mga bastos na salita.
Pagkatapos, ay nagsimula siyang magpadala ng mga pananakot sa kanyang dating manager, at sinabing pasasabugin niya ang delivery company kapag hindi siya binigyan ng pera. Hindi kami sigurado kung magkano ang hiningi niya.
Yun nga lang, ay pinili niyang gawing base of operations ang isang internet café na nasa tapat lang ng kalsada mula sa Jilong Police Station! Matapos ire...
- Title
- Mga may alagang pusa sa bahay, mag-ingat sa Cat Scratch Disease!
- Runtime
- 1:17
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Ano ang cat scratch fever? Ito ay isang kanta ng Amerikanong singer na si Ted Nugent…pero ito rin ay isang nakakahawang kasakitan, na nagmumula sa bartonella Quintana bacteria.
Sa Taipei, noong isang linggo, may isang maliit na batang lalake, na nakalmot ng alagang pusa ng kanyang pamilya, habang siya ay natutulog. Hindi ito binigyang-pansin ng kanyang ina, hanggang sa lumipas ang dalawang linggo, at nagkaroon ng umbok sa ilalim ng kaliwa niyang kili kili ang bata.
Dinala ng ina ang bata sa doktor, na sinabi sa kanila na ang bata ay may cat scratch disease. Ang bukol ay namamagang lymph node, at magagamot ng mga antibiotics.
Pinaalala ng doktor sa pamilya na ang mga pusa at natural carriers ng bacteria, at matapos mahawakan o makalaro ang pusa, ay dapat na maghugas sila ng kamay. Kapag nakagat o nakalmot sila ng pusa, ay maari silang magkaroon ng infection.
Ang mga family cats ay kailangan ring paliguan nang regular, para mapigilan ...
- Title
- Lalake, nakipaghiwalay sa babaeng hindi niya alam ay gangster pala!
- Runtime
- 1:09
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Lalake, nagkamali ng babaeng sinaktan…nakapili ng babaeng may mga gangster connections!
Maaring cute at mala-anghel ang babaeng ito, pero huwag kayong magpapaloko…kung ayaw niyong matulad sa kanyang ex-boyfriend.
Nagtrabaho ang babae sa isang bar, kung saan manager ang lalake. Nang naghiwalay sila, ay nag-resign ang lalake, pero hindi pa ito sapat para sa babae…na gustong makaganti.
Nagpunta ang babae sa kanyang ninong, na isang local gangster, at sinabi sa kanya na may utang sa kanya na 1,500 dollars ang kanyang ex. Nagalit ang ninong ng babae, kaya pinuntahan niya at ng mga gangster niyang kaibigan ang bagong lugar ng trabaho ng lalake.
Buti na lang at day off ng lalake sa gabing iyon! Pero malas ng nasa bar, at hindi natuwa ang ninong at mga gangsters na wala ang hinahanap nila, at inilabas nila ang galit nila sa mga customer, may-ari ng bar, at kasangkapan sa bar. Matapos nilang wasakin nang todo ang buong bar, umalis ang gr...
- Title
- Baby na ipinagpalit matapos ipanganak, hindi ibabalik sa biological na magulang!
- Runtime
- 1:03
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Mga baby na nagkapalitan matapos silang ipanganak, maaring manatili sa kanilang mga ‘magulang.’
Ang tanong – aling magulang?
Dalawang bata, isang lalake at isang babae, ang ioinanganak sa Johannesburg noong 2010 – at aksidente silang ipinagpalit sa ospital.
Nangyari ito nang hindi nakilala ng mga nurse ang mga bata. Nadiskubre lamang ang pagkakamali nila, nang isa sa mga ina ang nag-check sa DNA ng kanyang anak, dahil ayaw magbayad ng ama ng child support, dahil hindi siya naniniwalang anak niya ang bata.
Nagkataong tama ang ama, pero hindi para sa inaakala niyang rason.
Umabot sa korte ang kasong ito, dahil isa sa mga ina ang gustong makuha ang kanyang biological na anak – samantalang ang isang ina naman ay gustong manatili sa kanya ang anak na pinalaki niya.
Kahit na hindi pa nafa-finalize ang ruling ng korte, nagsagawa ng informal statement ang South African courts, at sinabing naniniwala silang ...
- Title
- 80-year-old na lalake, hinagisan ng asido ang 20-year-old na ex-girlfriend!
- Runtime
- 1:17
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Selosong 80-year-old na lalake, inatake ang kanyang ex-girlfriend, gamit ang asido!
Si Vikki Horsman ay isang 20-year-old na care worker na nakatira sa West Midlands, England. Kailan lang ay nakipaghiwalay siya sa kanyang boyfriend na si Mohammad Rafiq, na animnapung taon ang tinanda sa kanya.
Ayon kay Vikki, nakipaghiwalay siya kay Rafic dahil masyado itong mahilig mangontrol, at gusto siyang magconvert sa Islam at palitan ang kanyang pangalan sa Aleena Rafiq. Matapos niyang hiwalayan si Rafiq, ay ayaw pumayag ng lalake na tapos na sila, at sinimulan niyang i-stalk ang babae.
Isang gabi, habang naghahanda siyang magpunta sa trabaho, may kumatok sa pinto ni Vikki. Pagbukas niya ng pinto, nakita niya ang isang lalaking naka-kulay grey na hoodie. Sinabi ng lalake ang pangalan ni Vikki, at hinagis ang laman ng isang bote sa babae. Ayon kay Vikki, nakita niya ang mukha ni Rafiq na sumilip sa bintana ng sala, nang papunta siya sa kusina para hugasan ng...
- Title
- Single na babae, banned mula sa mga restaurants sa Saudi!
- Runtime
- 1:04
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Mga single na babae, banned mula sa mga restaurants sa Saudi!
Ang mga babae sa Saudi Arabia ay may mahabang listahan ng mga bagay na hindi nila pwedeng gawin. Ang pinakalatest? Nagpost ng mga sign ang mga restaurants sa Saudi, na nagsasabing bawal pumasok doon ang mga single na babae, nang walang kasamang lalaking family member. May ilang mga restaurants ang nag-ban sa lahat ng babae.
Ayon sa mga may-ari ng mga restaurants na ito, nagrereklamo daw ang mga customer nila na masyadong malakas ang boses ng mga single na babae, at hindi tama na maari silang makitang umiinom, naninigarilyo at ginagamit ang kanilang mga cell phones sa publiko. Ayon sa mga may-ari ng restaurants, nakakapag-pahamak ang ganitong pag-uugali ng mga babae, na mauuwi sa pakikipag-flirt sa lalake. Danger!
Ayon sa mga restaurant owners, ang ganitong pag-uugali ay senyales ng metal instability sa mga single na babae, at ayaw nilang istorbohin ng mga loka-lokang ito kanilang mga cu...
- Title
- Abusadong substitute teacher, binu-bully ang mga estudyante!
- Runtime
- 1:03
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Malupit na substitute teacher, isang malaking bully sa classroom!
Sa Central Taiwan, nagreklamo ang mga magulang ng mga estudyante, laban sa isang homeroom teacher na nagsu-sub nang dalawang buwan sa eskuwelahan.
Sinabi ng mga estudyante sa kanilang mga magulang na sinisigawan sila, araw-araw, ng sub; hinahalukay niya ang mga bag ng estudyante, para siguraduhin wala siyang makukumpiska na kagamitan. Ayon sa isang estudyante, pinagbawalan syang kumain ng sib, bilang parusa, at kapag masama ang mood ng sub, ay pinapaupo niya ang mga estudyante sa lamesang nakaharap sa pader.
Nakipagkita ang mga magulang sa mga school officials para magreklamo, pero bago pa makakilos ang mga awtoridad ay nag-resign ang sub! Ayon sa kanya, ay binubully daw siya ng mga magulang sa pamamagitan ng pagpintas sa kanyang teaching style.
Sana ay mas maayos ang bagong sub para sa lumang sub!
For news that's fun and never boring, visit our chan...
- Title
- Mga magsasaka, nagpo-protesta nang nakahubad sa Mexico City!
- Runtime
- 0:53
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Ibang klaseng political protest ito: mga Mexican na magsasaka, naghubad bilang pag-protesta!
Sa Mexico City, nagpakita ang malalaking grupo ng magsasaka para iprotesta ang pagkamit ng gobyerno sa mga lupa. Ayon sa mga magsasaka, ilegal na kinumpiska ng gobyerno ang limang libong acres ng lupa, na dapat ay nasa pagma-may-ari ng magsasaka.
Nagsimula ang mga protesta, sa pagitan ng oras ng pagtatanim at pag-ani. Sinamahan ng mga babae ang mga lalaking magsasaka, dalawang taon nang nakalipas.
Nang patuloy silang hindi pinansin ng gobyerno, ay nagsimula silang magprotesta nang nakahubad! Sa galit ng mga magsasaka, ay naghubad sila at nagtatakbo sa kalsada nang walang suot na damit; ginagamit nila ang mga katawan nila para magpadala ng mensahe.
Ayon sa isa sa mga nagpo-protesta, madalas na dumaan ang mga tao, sakay ang kanilang mga kotse, at sinasabihan na pangit ang mga magsasaka. Sang-ayon dito ang mga magsasaka, dahil masyadong mahirap ...
- Title
- Lola, pinakain ng nakamamatay na bacteria ang 2-year-old na apo!
- Runtime
- 0:43
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Lola, pinakain ng nakamamatay na bacteria ang 2-year-old na apo!
Sa Zhejiang, China, isang 2-year-old na baby girl ang dinala sa emergency room, dahil nagsusuka ito ng dugo, mula sa isang severe ulcer.
Paanong nakakuha ng ulcer ang isang baby? Isang ulcer na napakasama, at nagsuka siya ng dugo? Siguradong hindi ito dahil sa sobrang pag-inom ng alak, kape, o paninigarilyo.
Ang cute na cute na baby girl na si Dolly ay madalas na makasama ang kanyang lola. Nang dinala siya ng kanyang mga magulang sa emergency pediatrics, sinabi nila sa mga doktor na si Dolly ay masayahing bata, na mahilig kumain. Pero nagbago siya noong isang buwan. Naging mabusisi siya at madalas na namimilipit na tila nasasaktan, at ayaw niyang kumain.
Nang ipinaghanda siya ng bote ng kanyang ina, bago siya natulog, uminom ng kaunti si Dolly, sabay suka. Sinubukan siyang bigyan ng tubig ng kanyang ina, pero sinuka din ito ni Dolly. Dito napansin ng ina ng baby na ang ...
- Title
- Baby na may dalawang ulo, ipinanganak sa India!
- Runtime
- 1:26
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Baby na may dalawang ulo, ipinangananak sa India!
Isang napakabihirang medical condition na tinatawag na dicephalic parapagus ang conjoined twins na ipinapanganak, na naghahati sa iisang katawan.
Ang identical twins ay ipinapanganak kapag isang fertilized zygote ang nahihiwalay, at nagiging dalawang magkahiwalay na baby. Ang conjoined twins ay kapag ang paghiwalay ng zygote ay hindi perpekto, at hindi naghiwalay nang husto.
Ang dahilan kung bakit napakabihira ng kondisyon na ito, ay dahil ang mga kambal ay karaniwang namamatay at nagkakaroon ng miscarriage ang ina.
Pati ang mga medical experts na nasa neonatal field nang mahigit apatnapung taon ay sinasabing hindi pa sila nakakakita ng ganitong kaso.
Ang dalawang batang lalake ay ipinanganak nang premature, pero ayon sa mga magulang ay masaya pa rin sila at mahal na mahal nila ang mga bata. Dahil sila ay magsasaka at walang pera, ibinenta nila ang lahat ng pwede nilang ib...
- Title
- Babae, binugbog hanggang sa halos mamatay na ang kanyang asawa!
- Runtime
- 0:56
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Domestic abuse: babae, binugbog hanggang sa halos mamatay na ang kanyang asawa!
Sa Xinjiang, China, naatanggap ang mga pulis ng isang tawag mula sa isang lalake, na sinabing gusto siyang patayin ng kanyang asawa.
Pagdating ng mga pulis, natagpuan nila ang 23-year-old na lalaking si Xu, nan a nakaupo sa sulok ng isang kwarto, at natakpan ng pasa at sugat ang kanyang katawan. Hindi nila nakita ang asawa, kaya dinala nila si Xu sa ospital.
Ayon sa ospital, si Xu ay nagkaroon ng maraming mga hairline fractures sa buto ng kanyang mga braso, hita at binti. Mayroon din siyang koleksiyon ng mga lumang peklat. Pinadala nila si Xu sa mas malaking ospital, para ma-check kung mayroon siyang internal injuries – at nadiskubre ng mga doktor na marami siyang mga lumang injuries, at mga nabaling buto na matagal nang gumaling.
Ipinaliwanag ni Xu na tatlong taon na siyang ginugulpi ng kanyang asawa. Nagkakila si Xu at ang asawa niyang si Xiao Wang noo...
- Title
- Lalake, nasentensiya ng 8 taon para sa pag-rape sa 14-year-old na babae!
- Runtime
- 1:01
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Lalake, binigyan ng drugs at ni-rape ang isang walang malay na 14-year-old na babae!
Hinatulan na sa wakas ng isang judge ang isang rape case na nangyari itong nakaraang Enero.
Sa Central Taiwan, isang 22-year-old na lalake ay naakusahan ng pag-rape sa isang 14-year-old na junior high school student, na kinumbinsi niyang sumama sa kanya sa isang motel para sumubok ng K, o ketamine. Nang nawalan ng malay ang babae dahil sa drugs, ay ni-rape niya ito. Nang nagising ang babae, napansin niyang masakit ang kanyang katawan, at hindi naka-butones ang kanyang maong.
Tinangka pa siyang kumbinsihin ng lalake na mag-sex ng isa pang beses, dahil kapag naligo daw ang babae at nahugas ang sperm, ay hindi ito mabubuntis.
Hindi nakumbinsi ang babae, at inireport niya ang lalake sa pulis. Sabi ng lalake, dahil pareho silang high sa K sa oras ng rape, ay hindi niya namalayan ang mga pangyayari.
Hindi sumang-ayon sa kanya ang judge, na sina...
- Title
- Chinese na babae, nagkalat ng mabahong amoy sa HK subway!
- Runtime
- 1:20
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Babaeng galing sa China, nagkalat ng mabahong amoy sa Hong Kong subway!
Noong isang buwan, sa MTR subway system sa Hong Kong, isang 40-year-old na babae mula sa China ang nangamoy sa tren…pero hindi para sa dahilang una pumasok sa isip niyo.
Sumakay ang babae sa subway, at nang nakita niyang wala siyang mauupuan, sinigawan, pinagalitan at pinagmumura niya ang mga pasahero ng tren, hanggang sa napaalis niya ang iilang mga tao, at nakahanap siya ng puwesto.
Matapos siyang maupo, at tinanggal ng babae ang kanyang sapatos, at sinimulang kamutin ang ilalim ng kanyang paa! Ang amoy ng kanyang paa – na tila matagal-tagal nang hindi nalilinis – ay sapat na para mapaalis ang ibang tao, papunta sa ibang parte ng tren.
Nakakadiri man ang kanyang ginawa, ay okay na rin ito kumpara sa pagtae at pag-ihi sa subway, na nangyari na rin at mas higit na nakakasuka.
For news that's fun and never boring, visit our channe...
- Title
- Lalake, sinuntok ang babaeng ayaw na ibigay sa kanya ang phone number!
- Runtime
- 0:43
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Lalake, inasulto ang isang babaeng tumangging ibigay sa kanya ang phone number!
Isang lalake sa Chicago ang umatake sa isang babae, na tinangka rin niyang nakawan, matapos tumanggi ang babae na ibigay sa lalake ang kanyang phone number sa tren.
Hiningi ng 24-year-old na si Denzel Rosson ang phone number ng isang 21-year-old na babae, sa L train, Lunes ng gabi. Tumanggi ang babae, at lumipat sa kabilang tren…sinundan siya ng lalake.
Nang bumaba ang babe sa Roosevelt Station, sinundan siya ni Rosson hanggang sa South Wabash Avenue.
Sinubukan ng babae na tumawag sa pulis, pero na-headlock siya ni Rosson, na sinuntok din siya sa mukha, at tinangkang nakawin ang kanyang telepono at bag, bago ito tumakbong paalis.
Nagtago si Rosson sa isang nalalapit na restaurant, kung saan siya ay naaresto, makalipas ang ilang minuto. Siya ay nakasuhan ng btattery at attempted robbery.
For news that's fun and never borin...
- Title
- Ina, sinampal ang anak na babae, at nabali ang ngipin ng bata!
- Runtime
- 0:53
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Ina, sinampal ang anak na babae, at nabali ang ngipin ng bata!
Isang ina sa Changzhou, China, ang sinampal ang 6-year-old na anak niyang babae, dahil hindi ito nagpakita ng magandang table manners – sa lakas ng sampal, ay nabali ang ngipin ng bata.
Lahat naman tayo ay napagalitan ng ating mga magulang, na pinaalala sa atin ang maayos na pag-uugali pagdating sa kainan sa mesa. Huwag ilagay ang siko sa mesa, huwag ilagay ang baba sa kamay habang ngumunguya, umupo nang tuwid at maayos, hawakan nang mabuti ang kubyertos.
Hindi din pinayagan ng inang ito ang kanyang pamilya na manood ng TV habang kumakain, at bawal gumamit ng telepono o tablet ang kanyang asawa sa hapag-kainan. Nagagalit siya kapag wlaang table manners ang kanyang pamilya – kaya sinampal niya ang kanyang anak, na nabali ang ngipin.
Nang tinanong siya, sabi ng ina, hindi niya inaabuso ang kanyang anak, dinidisiplina lang niya ito. Ano sa tingin niyo – masyado bang bay...
- Title
- Lalake, binangga ang McLaren P1, wala pang isang araw matapos itong bilhin!
- Runtime
- 1:00
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Lalake, binangga ang McLaren P1, wala pang isang araw matapos niyang bilhin ang mamahaling sasakyan!
Ito ang McLaren P1. Dahil sa kanyang twin 903 horsepower turbocharged V8 engine, ay isa ito sa pinaka-exciting na supercars sa buong mundo. Maari itong mag-accelerate mula 0 hanggang 60 miles per hour, nang wala pang tatlogn segundo.
Tingnan natin kung ano ang nangyari sa napakagandang sasakyang ito, nang pinick up ito ng isang 27-year-old na lalake sa Dallas.
Miyerules ng umaga, wala pang isang araw mula nang makuha niya ang susi ng kotse, ay nai-crash niya ang P1 habang nagmamaneho siya sa McKinnon Street. Nawalan daw siya ng kontrol, at bumangga sa isang guardrail sa gilid ng kalsada.
Malaki-laking gastos ang pagpapaayos sa kotseng ito. Buti na lang, at may carbon fibre monocoque ang McLaren P1, at nagawa nitong protektahan ang driver at ang kanyang 24-year-old na pasahero. Nagkaroon lamang sila ng minor injuries at dinala sa Parkla...
- Title
- NYPD policewomen, masususpinde dahil sa mga sexy selfies in uniform!
- Runtime
- 1:06
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Mga babaeng pulis, lagot pata sa pag-post ng mga selfies, habang nakasuot pa sila ng police uniform!
Ang mga policewomen na ito ay nakahanda nang manghuli ng masasamang tao.
Pero bago ang lahat – selfie time muna!
Hindi natutuwa ang NYPD, at pinaparada ng mga officers ang kanilang sarili, nan aka-uniform, sa Instagram na “Blueline Beauties.”
May policy ang department kung saan ipinagbabawal ang mga officers sa pagsuot sa kanilang uniform sa mga image sa social media – pwera na lang kung kasali sila sa official ceremonies.
Ayon sa isang NYPD spokesman, ang panuntunang ito ay para maprotektahan ang mga officers sa paglabas ng personal na impormasyon sa social media sites, na maaring ikapahamak nila.
Pero ayon sa president ng Patrolmen’s Benevolent Association na si Patrick Lynch, walang masama sa mga naka-uniform na officers sa mga litrato na pangkaraniwang tinatanggap naman sa social media.
- Title
- VIDEO: Mabait na babae, pinatay ng isang Serbian teenager!
- Runtime
- 1:01
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Video, ipinapakita ang sandaling pinatay si Tugce Albayrak ng isang Serbian teenager!
Nakunan ng security camera sa McDonald’s ang bayolenteng asulto, na nauwi sa kamatayan ng 22-year-old na Turkish-German student na si Tugce Albayrak.
Ang lalaking ito – ang 18-year-old Serbian national na si Sanel M – na ngayon ay nasa kamay na ng mga awtoridad – ang umamin sa kanyang parte sa attack.
Ang footage na nakunan sa parking lot ng isang McDonald’s noong November 15 ang nagpapakita sa isang lalake, na pinipigilan si Sanel M, na desididong saktan si Albayrak. Hindi nagpaawat si Sanel M, at natamaan niya ng baseball bat ang ulo ni Albayrak, na nawalan ng malay – at hindi na muling nagising.
Nang sinabihan sila na wala nang magagawa ang mga doktor para sa kanilang anak, ay tinerminate ng magulang ni Albayrak ang life support noong November 23 – na sana ay 23rd birthday ni Tugce.
For news that's fun and...
- Title
- VIDEO: Lalake, sinipa at ninakawan ang babaeng may buhat na baby!
- Runtime
- 1:08
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Black Friday na magnanakaw – sinipa ang isang ina na may buhat na baby!
Habang isang buong army ng mga bargain hunters ang naglabanan para sa malalaking discount noong Black Friday, ang lalaking ito ay nasa kalsada, naghahanap ng madaling target.
Ini-release ng pulis sa New York ang mug shot ng 18-year-old na si Alonzo Black, suspect sa isang brutal na pag-atake sa isang 24-year-old na ina, at ng kanyang 3-month-old na baby, sa Bronx noong Black Friday.
Ipinapakita ng surveillance footage ang suspect na dinanaan sa kalsada ang babae, na may kausap sa telepono, at dala ang mga shopping bags sa East Tremont Avenue, malapit sa Bronx Park Avenue.
Napatingin sa kanya ang magnanakaw, na kinilatis ang eksena, at bigla siyang sinugod.
Habang naglalakad sa bangketa ang 24-year-old na babae, nilapitan siya ng lalake, at sinipa mula sa likod!
Ninakaw ng attacker ang telepono ng babae, na iniwan niyang nasaktan at naka...
- Title
- Lalake, inilagay sa 'Racists Getting Fired' na Tumblr ang kanyang ex!
- Runtime
- 1:30
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Gagong lalake, sinubukang ilagay sa ‘Racists getting fired’ na Tumblr ang kanyang ex!
May isang espesyal, maliit at madilim na sulok ng Internet nan aka-reserba para sa mga bigots at racists sa mundo.
Salamat sa mga insidente gaya ng Ferguson, Missouri, iilan sa mga taong makikitid ang utak ang nagpupunta sa social media para magsabi ng, “I told you so,” sa mga masasakit na paraan.
Isang Tumblr page na tinawag na “Racists Getting Fired” ang na-setup para magsagawa ng vigilante justice sa social media – para ang mga bigots at racists na puno ng kasamaan ay mapahiya sa publiko, at mawalan ng trabaho kapag nalaman ng kanilang employer na hindi sila mabuting tao.
Sa isang panig, ay maari itong ituring na violation ng free speech. Sa kabilang panig naman, ang Internet ay parang isang masikip na kanto sa isang napaka-busy na siudad. Makakapagbitaw ka ba ng masasamang salita nang walang nagre-react, sa gitna ng Times Square?
- Title
- Nurse, dinemanda ang ospital sa NY; nanalo ng 4 million dollars!
- Runtime
- 1:20
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Nurse, nagkaroon ng brain transplant; mga boss, hindi inintindi ang kanyang kalagayan!
Dinemanda ni Rebecca Sedans, 49, ang dati niyang employer – ang New York Presbyterian Hospital- para sa discrimination, dahil hindi niya mademanda ag mga ito para sa simpleng katangahan.
Si Sedans ay may deep brain implant, na kinokontrol ang mala-Parkinson na kasakitan, na nagbibigay sa kanya ng masakit na muscle contractions. Nang nagsimula siyang magtrabaho sa ospital noong 1998, sinuportahan siya ng ospital at hindi siya pinagtrabaho sa mga unit na may mga MRI machines. Ito ay dahil ang electronic imaging machines ay maaring masira ang brain implant ni Sedans, na mauuwi sa mga seizures o masakit na muscle contractions, na maaapektuhan ang paggalaw at pagkilos ng babae.
Pero nakalimutan ng mga boss niya – na nagtatrabaho sa medical industry – ang maliit na detalyeng ito, at nai-schedule nila si Sedans na magtrabaho sa mga ICU units na may MRI machines. ...
- Title
- Stephen Hawking, gustong maging kontrabida sa James Bond movie!
- Runtime
- 1:05
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Stephen Hawking at Daniel Craig…best Bond movie ever? Kayong bahalang humusga.
Maraming nakaharap na kontrabida si James Bond sa loob ng halos dalawampu’t apat na pelikula, at marami-rami ring tayong napanood na mga Bond villains.
Pero habang ang lalaking ito ay nakakatakot sa sobrang talino, hindi namin masabi kung siya ba ay papasa bilang nakakatakot na Bond villain.
Si Dr. Stephen Hawking ay lumabas na sa iilang pelikula at palabas sa TV, pero nais niyang matupad ang kanyang pangarap na maging isang kontrabida sa James Bond.
Ang 24th movie installment ng James Bond franchise ay ipapalabas sa susunod na taon, pero ang pangalan na ‘Dr. String Theory in Quantum Physics’ ay wala sa James Bond level ng nakakatakot na kontrabida. At dahil ang wheelchair ni Hawking ay umaandar nang 5 miles per hour, paano na ang mga habulan na eksena?
Hindi sang-ayon dito si Dr. Hawking, na maaring pinakamatalinong tao sa buong mundo....
- Title
- White House staff, nawalan ng trabaho matapos pintasan ang mga anak ni Obama!
- Runtime
- 1:30
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Communications Director, nawalan ng trabaho dahil sa negatibong comments na kanyang binitawan tungkol sa mga anak ni Obama!
Ano nga ba ang sinasabi sa Bibliya, tungkol sa pagtanggal ng kahoy mula sa inyong mga mata, bago kayo mamintas ng salubsob? Anyway…si Elizabeth Lauten ay isang communications director, na hindi marunong mag-communicate!
Nagtrabaho siya para sa isang Tennessee Republican Representative, pero hindi niya matanggap ang kasuotan at pag-uugali ng mga anak na babae ni Obama, sa Thanksgiving turkey pardoning ceremony sa taong ito – kaya nagbitaw siya ng masamang statement sa Facebook.
Ganito ang kanyang sinulat, na pinaikli namin: “Irespeto ang inyong lugar…pero kung tutuusin ay hindi nirerespero ng inyong mga magulang ang kanilang mga posisyon…kaya mukhang wala kayong magagandang role model…manamit nang maayos para makakuha ng respeto…at hindi parang papunta kayo sa bar.”
Maraming na-offend sa sinabi ni ...
- Title
- Lalake, nawalan ng artwork sa halagang 1 million Euros sa isang tren!
- Runtime
- 1:00
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Lalake, nawalan ng napakabihirang artwork sa halagang 1 million Euros, sa isang high speed railway!
Ang isang napakabihirang 13th century Chinese scroll ay dapat na nai-transport sa ganitong paraan…
Dahil napakadali nitong mawala, gaya ng isang payong sa isang subway train. Tanungin niyo na lang ang collector na si Francesco Plateroti.
Kaka-prisinta pa lang niya sa scroll, “The Banquet of Immortals on the Terrace of Jade,” sa Paris, at pauwi siya sa kanyang tirahan sa Geneva, sakay ang TGV high speed railway.
Pagbaba niya sa tren, napansin niya na wala na sa kanyang kamay ang scroll, na naiwan niya sa tren. Sinearch ang tren, pero hindi na natagpuan ang scroll.
May malaki-laking reward na naghihintay sa kahit na sinong nakakaalam kung nasaan ang artwork na ito, pero maraming mga imposters ang nagkukunwaring may tip, para makakuha ng pera.
Dahil ang scroll ay hindi maaring mabenta sa legal na paraan o m...
- Title
- Lalake sa Utah, pinapakain ng Olive Garden pasta ang mga homeless!
- Runtime
- 1:07
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Olive Garden Unlimited Pasta Pass, napapakain ang mga homeless!
Naalala niyo ba ang Olive Garden? Ito ang Italian chain restaurant na kilala para sa masarap na bread sticks, at malalaking portion ng pasta.
Isang local hero sa Utah ang nakaisip ng paraan para madala ang pagkain ng Olive Garden sa mga taong tunay na nangangailangan.
Si Matt Tribe ng Ogden, Utah, ay isa sa isang libong taong nagma-may-ari ng “Never Ending Pasta Pass.” Ang card na ito ang nagbibigay sa may-ari nito ng unlimited pasta, sa loob ng pitong linggo.
Pero imbes na maging matakaw at solohin ang pasta, ay ipinamigay ito ni Tribe sa mga nagugutom na homeless!
Binigyan rin niya ng pasta ay mailman, at ang baby ng kanyang kapatid na babae. Pero mahigit dito, ay binigyan niya ng fettuccini alfredo ang mga homeless, sa sampung magkakaibang okasyon.
Ang bawat serving ng fettuccine ay nasa 1,200 calories – sapat na carbs na iyan para makat...
- Title
- Pulis, niligtas ang isang babaeng sinasakal ng anak gamit ang seatbelt!
- Runtime
- 1:02
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Babae, nasakal ng seat belt sa kotse; niligtas ng isang state trooper!
Kapag sinasakal kayo ng inyong 3-year-old na anak, ito ang lalaking gusto niyong makita sa eksena.
Habang nagmamaneho sa Suncoast Parkway ang isang pamilya sa Florida, ang anak nilang babae – na hindi natuwa na kailangan niyang sumakay sa car seat – ang nagawang balutin ang seat belt sa leeg ng kanyang ina!
Sinubukang iligtas ng ama ang ina, pero mas lalo lang lumala ang sitwasyon…napahigpit at nai-lock ang seat belt.
Mabilis na dumaan ang mga sasakyan, habang kumakaway para sa tulong ang ama. Sa wakas, ay nakuha niya ang atensiyon ng Highway Patrolman na si Brad Wagner – na mabilis na kumilos at naligtas ang babae.
Gamit ang isang kutsilyo, nagupit ni Wagner ang seat belt, at nakahinga ng maayos ang babae.
Ito ang natira sa seat belt. Ayon sa record ni Wagner, nagsagawa siya ng CPR sa isang crash victim noong Setyembre, at naligta...
- Title
- Napakasuwerteng piloto, naligtas mula sa dalawang plane crash!
- Runtime
- 1:13
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Ang pilotong si Danny Hall, naligtas mula sa ikalawa niyang crash landing – at balak na niyang tumigil sa pagpapalipad!
Si Danny Hall ang may-ari ng isang roofing company sa Connecticut, at isa ring piloy hobbyist. Siya rin ay isa sa pinakasuwerteng tao sa buong mundo.
Naligtas siya mula sa dalawang plane crashes! Ang pinakahuli ay nangyari noong November 29 sa West Hartford.
Napansin ni Hall na nawawalan ng power ang kanyang eroplano, nang papunta siya sa Brainard Airport sa Hartford. Habang naghahanap siya ng deserted area para makapag-landing, sinabihan niya ang air traffic control tungkol sa emergency, at hiniling niya na ibigay nila ang “I love you” message sa kanyang pamilya, sakaling hindi siya maligtas.
Nawalan ng pakpak ang eroplano ni Hall, pero naligtas siya – for the second time!
Ilang taon nang nakalipas, mula nang naligtas si Hall sa isang plane crash sa Rhode Island. Ayon sa imbestigasyon, isang pam...
- Title
- Magkapatid na babae, inaway ang lalaking harassers sa bus sa India!
- Runtime
- 1:22
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Magkapatid na babae, pinaghahampas ng sinturon ang isang grupo ng sexual harassers sa isang bus!
Ang footage na ito, ng dalawang matapang na babae, ay nakunan sa isang bus sa India. Ang magkapatid na si Arati at Pooja ay pauwi galing sa eskuwelahan.
Ang mga lalake sa harap ng bus ay nagsalita at kumilos nang bastos, at nagkamali sila sa pag-akalang papasa ito sa magkapatid.
Ayon sa magkapatid, sinimulan silang i-harass ng mga lalake sa bus stop, at nagpatuloy ito hanggang sa makasakay sila sa bus.
Nang nilapitan sila ng isa sa mga babae, para sabihan silang tumigil, hinatak siya sa leeg ng isa sa mga lalake, at pinigilan ang babae sa pagkilos. Wala ni isa sa mga pasahero ang nagtangkang tumulong…pero isa sa kanila ang nagsimulang kumuha ng video, nang sumugod ang kapatid ng babae, na tinanggal ang kanyang sinturon.
Sa video, makikita nating ilang beses niyang hinampas ng sinturon ng lalake, at hindi siya tumigil kahit n...
- Title
- VIDEO: Baby, nahulog mula sa stroller sa riles ng tren sa Melbourne, Australia!
- Runtime
- 1:13
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Baby stroller, rumolyo pababa sa train platform, papunta sa riles ng tren!
Ini-release ng transit authorities sa Melbourne, Australia ang surveillance video na ito, kung saan isang toddler na nakasakay sa baby stroller ang nahulog sa tiles ng tren, sa Diamond Creek Station.
Nahulog ang 18-month na batang babae, mula sa platform na may one meter ang taas, at tumama ang kanyang mukha sa riles.
Isang lalaking pinaniniwalaang lolo ng bata ang tumalon sa riles, at tinulungan siya ng ibang mga tao. Buti na lang at walang tren na pumasok sa station, habang nangyayari ang lahat ng ito.
Naligtas ang bata, nang may minor injuries lamang sa kanyang mukha. Dinala siya sa ospital at siya ngayon ay nasa stable na kondisyon.
Nag-issue ng warning ang Metro Trains Melbourne para sa mga pasahero, na mag-ingat habang sila ay nasa platform, lalo na kapag may mga baby sila na nakasakay sa mga stroller.
May problema ang Melbourne,...
- Title
- Drug addict, pinagkakaguluhan sa Internet dahil sa magandang mug shot!
- Runtime
- 1:17
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Isang drug addict, pinagkakaguluhan dahil napakaganda niya sa kanyang mugshot!
Isantabi na yang si Jeremy Meeks – dahil mayroong mas cute na mugshot kaysa sa kanya!
Ang 18-year-old na si Alysa Suguro Bathrick ang pinakalatest na photogenic mugshot model sensation sa Internet.
Noong December 1, ay itinweet niya ito: “Sumurrender ako, alas siyete ng umaga, at na-release ako noong alas onse y medya. Huwag maniwala sa balita. Ay oo nga pala, ang ganda ko sa mugshot.” Siya ay naaresto noong Nobyembre, para sa kanyang Xanax addiction.
At dahil dito, ay naging diyosa ng Twitter itong si Bathrick! Nakatanggap siya ng napakaraming mga marriage proposals, at ini-retweet niya ang bawat isa.
Pinag-aagawan din siya ng mga modeling agents, na gusto siyang gawing bida ng isang Playboy shoot.
Sa aming imbestigasyon, ay nalaman namin na si Bathrick pala ay naaresto rin noong isang taon para sa simple assault.
- Title
- VIDEO: Lalake, nagdala ng 'service cat' at pepper spray sa McDo sa Seattle!
- Runtime
- 0:58
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Alam niyo ba kung ano ang service cat? Kung hindi, ay mase-spray kayo sa mukha!
Isang lalake sa First Hill neighborhood ng Seattle ang panay punta sa isang McDo sa lugar na iyon. Nagpakita siya, tanghali noong Huwebes, kasama ang kanyang “service cat.”
Ang lalake, na tatawagin naming Trouble Maker, ay na-ban na mula sa McDo na iyon.
Matapos niyang magpunta sa counter, ay inumpronta siya ng isang iritableng employado ng McDo.
Pero may dala palang malaking lata ng pepper spray itong si Trouble Maker!
Ginamit niyang attack dog ang kanyang service cat, at nagkaroon ng away sa McDo.
Pinagkakaway ni Trouble Maker ang pepper spray, at marami siyang nabiktima – pati ang isang inosenteng lalake na gusto lang na kumain ng McNuggets.
Dumating din ang mga pulis, at nagamot ang dalawang tao para sa eye irritation.
Pero wala silang inaresto, at malayang nakauwi si Trouble Maker, kasama ang ...
- Title
- Lalake, inatake ng 13-foot na buwaya sa isang South African golf park!
- Runtime
- 1:13
- Date posted
- 12 years ago
- Description
- Buwaya, nanalo sa isang extreme golf ball hunting competition!
Isang contest kung saan panalo ang taong makakahanap ng pinakamaraming bilang ng golf balls ang nauwi sa kamatayan, Miyerkules ng gabi – nang nabiktima si Jacques Van der Sandt ng isang buwaya, na may labing-tatlong talampakan ang haba!
Nag-inuman si Van der Sandt at isa niyang kaibigan, at nagdesisyon silang magsagawa ng isang golf ball hunt sa Lake Panic, sa hole number nine sa Skukuza Golf Course, sa Kruger National Park.
Nagpunta sa ilalim ng tubig ang mga golf ball hunters nang tatlong beses, pero hindi lang pala sila ang mga nagha-hunting sa gabing iyon.
Habang naglalaro ang mga lalake, sa tubig na umabot sa kanilang mga baywang…nahatak si Van der Sandt ng isang higanteng buwaya! Alas diyes ng gabi nang sinabigan ng kaibigan ni Van der Sandt ang Kruger National Park rangers tungkol sa crocodile attack.
Pagdating ng mga rangers sa eksena, nakita nilan...

